Pagod kaming dalawa ni Daphne habang nakasakay na kami ng sasakyan. Nasa backseat na kaming dalawa at nakasandig siya sa akin. Tulog na tulog at maging ako ay pumipikit na rin ang aking mga mata. Ito na yata ang pinakamasayang paglabas namin, pero hindi ko akalain na ganito kami mapapagod. Ang alam ko hapon na dahil sobra naming in-enjoy ang aming pamamasyal. Busog na busog pa kami sa mga kinain namin na pagkain, sino ba ang hindi makakatulog nito? Naghikab ako at tumingin ako sa harapan kung saan focus sa pagda-drive si Kreed. Napangiti ako dahil sa ginawa niya para sa amin ngayong araw. Aaminin ko na nagselos ako sa paglapit ng babae sa kanya sa zoo. But hearing him said na kasama niya ang kanyang asawa at anak, syempre sobra akong kinilig doon. Naisip ko nga na hindi ako nagkamali sa

