Napalalim ng husto ang tulog ko dahil paggising ko, papalubog na ang araw. Tumingin ako sa kabilang side ng kama at wala na doon si Daphne. Bumangon ako at nakarinig ako ng tawanan sa labas. Kaya ibig sabihin na kasama ni Kreed ang anak ko na hindi man lang ako ginising. Medyo nahirapan akong bumangon dahil na rin sa laki ng tiyan ko. Dumiretso ako sa banyo dahil ihing-ihi na rin ako. Lumabas ako ng kwartoat nakita ko ang dalawa na naglalaro sa sala. Nagkalat ang mga laruan ng bata at muntik na akong matawa ng malakas dahil may headband na suot si Kreed at kunwari ay umiinom sila sa teacup na laruan nito. My chest clench just looking at them. Halata na gusto talaga siya ni Daphne at sigurado ako na palagi na nitong babanggitin ang lalake. But this is a good thing dahil hindi na niya maii

