Chapter 9

1514 Words

“Dito ba nakatira si Arlo Gonzaga?” tanong ng babae na nasa harap ko ngayon. Natigilan naman ako at napatitig ako sa kanya. Bumaling ako sa bitbit niyang bata tapos ay sa kanya ulit. Sino siya? Bakit niya hinahanap ang asawa ko? “Miss? Narinig mo ba ko?” tanong niya ulit. Para akong nagising at bahagya akong ngumiti sa kanya. “Sorry, medyo nagulat lang ako.” sagot ko sa kanya. “Hindi dito nakatira si Arlo Gonzaga, father niya ang nakatira rito. Kung hinahanap mo si Arlo, sumakay na siya ng barko para magtrabaho.” kita ko na ang pagkagulat sa kanyang mukha. Nagtaka naman ako and I am really crurious kung sino siya sa buhay ng asawa ko. Imposible naman na kapatid niya kung nag-iisang anak lang siya. Baka kamag-anak ng kanilang pamilya. “Sumakay siya ng barko?” di-makapaniwala niyang sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD