Hindi namin napansin ang oras ni Diana at hapon na nang umalis na siya sa bahay. Hinatid ko siya hanggang sa labas ng gate at nagyakapan pa kami. Nang makalayo na siya sa paglalakad na halos hindi ko na siya makita, pumasok na rin ako. Nagsimula akong maghanda para sa dinner namin. Nasa kusina ak at naglalabas na ng ingredients nang tumunog ang aking phone. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Crius sa screen at agad kong sinagot ang kanyang tawag. “Hello, Pa, male-late ka naman bang umuwi?” malungkot kong sabi sa kanya at narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. “Hindi, pauwi na ako ngayon. Yayayain sana kitang kumain palabas. Uuwi lang ako para maligo at magbihis tapos aalis na rin tayo.” natuwa naman ako sa kanyang sinabi. Parang first date na rin namin ‘yon. “Gusto ko yan, sig

