“Tulog na sila?” tanong sa aking ni Apollo nang pumasok ako sa aming kwarto. Sinilip koa lang si Charis ang ang kanyang anak kung kumportable sila sa kanilang pagtulog o may kailangan pa sila. Pasilip ko sa konting nakaawang na pinto at mahimbing na Silang natutulog. Kaya naman maingat ako na umalis at bumalik na rito sa aming kwarto. Nadatnan ko na nasa kama si Apollo at hawak niya ang kanyang phone at mukhang may tinitignan roon. “Tulog na tulog na sila. I’m just going to wash up.” paalam ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Kumuha ako ng pamalit sa closet at pumasok ako sa banyo. Naligo ako na hindi binabasa ang aking buhok, then I did my nightly routine at sinuot ko na ang manipis na nightgown. Nang lumabas ako ng banyo, napansin ko na sinusundan ako ng tingin ni Apollo. Ngumi

