Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan habang naglalagay ako ng makeup sa aking mukha. Kahit anong kumbinsi pa rin ni Eros sa akin na huwag munang pumasok, hindi ako nakinig sa kanya. This is my job at sa hirap na maghanap ng trabaho ngayon, ayoko na mawala ito sa akin dahil um-absent ako ng isang araw lang. The office space is toxic, pero malaki ang pasahod nila kaya naman nagtitiis na lang ako. Hindi ko rin naman hinahayaan na tratuhin ako ng masama ng mga workmates ko dahil alam nila na mas magaling ako sa kanila. Nag-tone down na rin naman ang pamamaga ng pisngi ko kaya naglagay na lang ako ng concealer sa mga marks na naroon para hindi gaanong halata. Pero binibigyan pa rin ako problema ng injury ko sa tagiliran dahil masakit pa rin ito. It’s a miracle na nakapagsuot

