AS athletes simula elementary hanggang college ay norm na siguro na laging isipin na bawal ang hindi tunay na lalaki sa barkada at koponan. Kahit sa panaginip ay hindi namin napag-usapan o napag-isipan na isa sa amin ay may itinatagong feminine side. Grade 6 pa lang ay nambababae na kami ni Martin at noong nakilala namin si Benj ay nahawa rin siya sa’ming dalawa. Kulang pa ang mga daliri sa paa at kamay para sa pagbilang kung naka-ilang babae na kaming dalawa. Flings, one night stands, pagsasabay-sabay ng mga girlfriends, lahat iyon ay nagawa na namin. Ang pinakamatagal yata naming relasyon sa iba ay wala pang dalawang buwan. Akala ko noon ay sadyang malandi lang kami o kaya naman ay dahil sa pagiging pihikan. I have never been a hopeless romantic but what I had and felt with

