“You’re a tourist?” bulong niya at parang hihimatayin ako. Nanghina ang tuhod ko at parang gusto kong umungol dahil sa init ng hininga niya sa tainga ko. Not to mention ang amoy niyang ubod ng bango. Juicecolored! Kung kanina ay lalaking lalaki pa ang tindig ko, ngayon ay sobrang girl na girl na. Ang gwapo kapag nakangiti! Ang gwapo kapag nakatingin at ang gwapo talaga! Kung matangkad na ako sa height ko ay mas matangkad pa siya sa akin ng ilang pulgada. Kung aakitin ko siya ay siguradong bagay na bagay kaming dalawa. “Yes. Sorry I wasn’t looking at where I’m going.” Nakangiti kong sabi. For sure kumikinang ang mga mata ko sa kaligayahan at kilig. Siyempre pa-echos ko lang iyon dahil siya naman talaga ang hindi nakatingin sa dinadaanan niya. Nakatayo lang ako at nagm

