DAYS turned into months and I still think about him most of the time. Kahit naman tanggapin ko na hindi kami para sa isa’t-isa, mas masayang balikan ang maliligayang araw naming magkasama. He made me feel important and cared for. Baliktad na pakiramdam kapag sarili kong pamilya ang kasama ko. They still treat me as if I’m just their banker. Mabuti pa nga siguro ang banker at iginagalang, kaso ako ay hindi. Sa bahay, wala akong kasabay kumain. Kahit mga pamangkin ko ay sinabihang huwag ako kakausapin o lalapitan. I endured all of that dahil hindi ko kayang bumukod at pabayaan sila ng basta-basta. Umaasa akong darating ang panahon na hindi na sila magiging mapangmata sa mga taong katulad ko. Kahit pakiramdam ko imposible, sana manalo ako sa lotto para bigyan ko na lang sila ng negosyo o p

