Chapter Forty-Five: Letter Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko ito at nag-text si James. “Hintay ka lang diyan, planado na ang lahat. Pupunta siya diyan mamayang alas otso. Maghanda ka na diyan. Tamang-tama dahil diyan siya matutulog at si Ana nag-out of town dahil sa bridal shower.” ___James. May kung anong selos akong naramdaman. Sana ako nalang ngayon ang may bridal shower. Bakit naman napakadali nilang magpakasal. Ganoon na ba talaga ka-determinado si Mathew na magkaroon ng pamilya. Ang unfair talaga ng mundo! Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Napakasakit isipin na walang kasiguraduhan na kami nga ba ni Mathew ang para sa isa’t-isa dahil parang ako lang yata ang lumalaban! Dapat kung nagmamahalan kayo, sabay ninyong hinaharap ang pagsubok!

