CHAPTER 11

3080 Words
"Saan mo balak mag transfer ng school?" Tanong sa akin ni Dahlia, my bestfriend. Sa America kami nag aral simula High School hanggang Senior at balak namin na dito na lang sa pilipinas mag College. We've been 2 months here in the Philippines. Mas prefer namin na mag tagalog kaysa magsalita ng English. Nakakamiss na rin kasi dito sa pilipinas, lalo na't nandito ang mga kamag-anak namin and of course nandito ang business namin. Ang magulang ko at magulang ni Dahlia ay matalik na magkaibigan. Si Mommy at si Tita Dana ang kasama namin sa America. Tuwing Vacation naman, nag out of town kami at tuwing occasion naman sina Dad at Kuya Volt naman ang napunta rito. "I don't know. Maghahanap pa lang ako ." I said at nag start na ako mag search. Maraming magagandang school na maaaring pasukan dito pero sabi ni Kuya Volt sa Westview na lang kami para naman araw-araw n'ya kaming maihatid. Volt Villamero is my twin. Kuya ang tawag ko kasi siya raw ang unang nilabas. "How about sa Eagle Mountain University tayo?" Suggestion n'ya. I searched Eagle Mountain University at napanganga na lamang ako. Sobrang lawak ng school na 'to. Hindi ko alam kung school pa ba 'to or palasyo? Seriously, mayayaman lang ba ang nakakapasok dito. 250,000 thousand pesos ang tuition fee. Seriously? Ang mahal ah, ginto ba ang school na 'yon kaya sobrang mahal ng tuition? "Ayoko dito, sa Westview na lang kaya." Sagot ko sa kanya. "Come on, Vivial. New environment naman tayo. Seriously sa Westview? Ayoko do'n ang aarte ng mga tao do'n sabi sa'kin ni kuya. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis sa kanya. Maasar nga ang isang 'to. "Talaga maaarte mga tao do'n o baka naman ayaw mo lang-" "Shut up, Vivial." Tinawan ko na lamang siya at inirapan n'ya naman ako. Ang arte rin nitong best friend ko. "Sa Eagle na lang kasi tayo." Pagpupumilit n'ya sa'kin. "Ano bang meron sa Eagle na 'yan at nagpupumilit ka na gustong mong pumasok doon?" Tanong ko. Inalis ko ang tingin ko sa laptop ko at kumuha ako ng biscuit sa gilid ko. "You know Jeymour Prenger? Yung classmate natin noon nung kinder pa tayo? He chatted me tapos nag kwentuhan kami. Sa Eagle pala s'ya nag aaral tapos sabi n'ya na do'n na lang daw tayo mag aral. Sakto naman diba? Wala pa tayong school na nahahanap. Please, sa Eagle na lang." Nakita ko ang kislap sa mga mata niya. I smell something fishy haha. "Fine sa Eagle Mountain University na tayo." Ngumiti s'ya sa akin at niyakap ako. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan nang pumayag akong sa Eagle Mountain University na lang kami pumasok. Hindi naman sa napipilitan akong pumasok sa school na 'yon pero parang gano'n na nga. Napipilitan lang talaga ako. Nangako na kasi ako kay kuya Volt na do'n na lang kami papasok pero nag search pa rin ako ng maaaring magandang school na pasukan bago pa man mag vacation. Todo pa naman ang pangugulit ni kuya tapos sa Eagle lang pala ang bagsak namin. "Kaya love na love kita Vivial e. Ang dali mong mauto HAHAHA." Tumawa siya ng pagkalakas lakas. "Whatever Dahlia." I rolled my eyes at her pero nginitian n'ya lang ako. Nang aasar talaga. Geez. "Tara na alis na tayo!"Excited na ani nito. "Saan naman tayo pupunta?" I asked. "Edi sa Eagle! Bilis! Ayoko ng mabagal! Halika na!" Sigaw pa nito at hinila ako palabas ng kwarto ko. Hinayaan ko na lang na hilain niya ako palabas. Hindi ko rin naman s'ya mapipigilan dahil kapag gusto niya, gagawin niya talaga. Kakaiba talaga itong kaibigan ko. Pwede namang ipagpabukas na lamang ang pag e-enroll namin. "Pwede namang bukas na lang tayo mag enroll Dahlia? We still have more days. Ang excited mo naman masyado." Sabi ko sa kanya at sinimangutan niya na lang ako. 'Geez. Tinatamad pa ako magpa-enroll. "Ano ka ba naman Vivial, start na ng first sem sa Eagle." Sagot niya. "Bakit ang dami mong alam sa Eagle ha? Sabihin mo nga sa akin? May tinatago ka 'no?" I smirked at her at nakita ko namang napalunok siya sa sinabi ko. I got you bessy. Huli ka. "O-Ofcourse not! Ano namang itatago ko sayo?" Tinawanan ko na lang s'ya at pumasok ako sa kotse niya. "Saan ba banda ang Eagle?" Tanong ko. "Sa Cavite, I heard from Jeymour na nag start na ang first semester. Ang aga naman ng pasukan nila 'no, July agad bakit sa Westview August pa." Sagot nito at inistart niya na ang engine. "Maaga pala e, edi sa Westview na tayo n'yan?" Inirapan niya na lamang ako dahil sa sinabi ko. Almost 14 years na rin kaming magkaibigan ni Dahlia. College na kami at ang kursong kinuha niya ay Tourism samantalang ako naman ay Accountancy. Kilalang kilala na namin ang isa't-isa. Tinuturing ko na rin s'yang kapatid dahil wala akong kapatid na babae pero may kuya ako na ubod ng pangit. Napahagikhik na lamang ako ng maalala ko na naman si kuya Volt. "Omg! School pa ba 'to? Ang laki naman." Namamanghang sabi ni Dahlia. "Wrong place yata tayo. Tara alis na-" "Gaga anong wrong place! Tingnan mo nga oh! Eagle Mountain University!" Basa niya sa pangalan ng school. "Tara na nga pasok na tayo." Pumasok na kami sa loob ng school. All I can say is just wow! Hindi nga? School ba talaga 'to? Baka naman palasyo 'to. Nananaginip siguro ako. Sa sobrang lawak na nito pwede nang pagtayuan ng isang palasyo. Siguro ganito rin kalaki ang Westview. "Ahh hello manong guard. Saan po dito yung kuhanan ng form for enrollees?" Tanong ni Dahila sa guard. "Sa Dean's office po ma'am." Sagot naman ni manong guard. "Bakit po ang daming students ngayon?" Tanong ko. "Nag start na kasi ang first semester." Sagot ni manong guard. Oo nga pala, yung sinabi sa'kin ni Dahlia kanina. "Omg! Papasok na si Axis!" "s**t! Yung ace player na!" "EMU for the win!" "Go Axis! Paliparin mo 'yan!" "Wow! Ang lakas! Natamaan n'ya yung Curve ball nung ace player!" "Home run 'yon!" "Si Red na ang next! The eagle clean up!" "ackkk! Ang gwapo!" Napadpad kami ni Dahlia dito sa field. Naliligaw na ata kami dahil hindi namin mahanap yung Dean's office. Marami rin palang students dito sa field. "Wow may game ngayon dito?" Tanong sa akin ni Dahlia. "Aba malay ko. Student ba ako rito ha?" "Ang sungit mo naman. Halika na nga upo tayo doon. Mamaya na natin hanapin yung Dean's office. May baseball game pala e." Naghanap kami ng maaaring upuan at mabuti na lamang ay may vacant pa. Ang daming students na nanonood ngayon. Wala ba silang klase ngayon at nandito sila sa field? Infairness ang laki nito field nila pwede ng patayuan ng building. "Hala! Ang gwapo nung Number 4!" Titili tiling saad ni Dahlia. Napatingin naman ako sa sinasabi ni Dahlia, gwapo nga. Chinito. "'Yan gwapo? Hindi nga? Gwapo 'yan?." Asar ko sa kanya at inismiran niya na lamang ako. Habang seryoso kong pinanonood ang game, naramdaman kong may tumabi sa'kin. Hindi ko na lamang 'to pinansin at itinutok ko ang panonood. Nahagip ng mata ko ang catcher ng EMU. Blonde hair ang lolo mo s**t! Kahit natatapkan yung mukha n'ya halata mong matangos ang ilong nito. Sa madaling salita, gwapo. Magaling sigurong captain 'to. Halata palang sa pagbibigay ng mga senyas sa ace player nila. Siguro 'yon yung mga pitch na dapat gawin nung ace player. "He's Red Costales. The captain of the team and Clean up." "Huh? What did you say?" Tanong ko. Ako ba kausap nito? "Ako ba kausap mo?" Tanong ko ulit. "I saw you. Titig na titig ka sa sa Captain." Sabi niya pa. Hindi porket tinitigan ko e, interesado na akong malaman ang pangalan n'ya.' "Ahh hehe." Ang awkward naman nito. "Hi, sino ka?" Tanong ni Dahlia sa katabi ko. "My name is Veronica, hindi kayo familiar sa akin so I think transferee kayo." Ngumiti ito sa amin. "Yep. Hinahanap namin kanina yung Dean's office kaso napadpad kami dito sa field. Bakit nga pala ang daming students dito? Hindi ba at may klase sila ngayon." Tanong ni Dahlia. "Vacant pa ngayon. Marami talagang nanonood dito sa field tuwing may practice game. Baseball kasi ang pinaka sikat dito lalo na at ang gwapo ng mga members ng EMU." Sagot naman ni Veronica. "Ah, by the way I am Dahlia and she's my bestfriend Vivial." Pagpapakilala ni Dahlia. Nginitian ko na lamang si Veronica at itinuloy ko ang panonood ng game. "Sino yung Number 4?" Biglang tanong ni Dahlia. "Ah si Vesper Alante. Batter 'yan ng EMU." Sagot naman ni Veronica. "Yung number 1? Sino 'yon?" Tanong ulit ni Dahlia. "Axis Madrigal, the Ace player of the team. Tapos yung Catcher nila si Red Costales. They're famous dahil nga gwapo sila. Mababait din ang mga 'yan lalo na si Vesper." Napatango na lamang kami ni Dahlia. "s**t! Ang lupet naman ng EMU!" "Practice game palang 'to paano pa kaya kapag finals na?" "Eagle for the win!!!" "Hindi matamaan ng batter ng CU yung mga fastball ni Axis! s**t ang lupet talaga!" "Ang lupet! Hindi nagbigay ng kahit isang run ang mga EMU!" Natapos na ang practice game at nanalo nga ang EMU. Infairness ngayon lang ako nagka interes na manood ng baseball. Kadalasan kasi ang pinapanood ko ay soccer game at basketball. Lalo na noong sumali si Kuya Volt sa basketball nung Elementary pa kami. "Samahan ko na kayo sa Dean's office." Masaya rin palang kausap 'tong si Veronica. She's talkative and I like it. Nakakuha na rin kami ng form ni Dahlia at nag take kami ng entrance exam. Maraming ding policy ang school dito. May mga ibat-ibang club din at may mga events din na nagaganap. "Nagugutom na ako." Nakangusong saad ni Dahlia. "Great, tara sa cafeteria." Sagot naman ni Veronica. Sinundan na lamang namin si Veronica dahil s'ya ang nakakalam kung saan ang cafeteria. Masasabi kong maganda si Veronica. Have a long wavy hair na nilagyan niya ng clip na pink. Mayroon din siyang matangos na ilong at singkit na mga mata. Matangkad s'ya pero mas matangkad ako. Sa tingin ko, bagay s'yang maging modelo. "Uy salamat Veronica ah. Kung hindi dahil sayo siguro hanggang ngayon naliligaw pa rin kami ni Dahlia. Ako na oorder ha? My treat." Sabi ko. Nginitian na lamang ako nito at nagtungo na kami sa Cafeteria. "Hanap lang kami ni Veronica ng table ah." Paalam sa akin ni Dahlia. Pumila ako kaagad dahil parami na rin ng parami ang students dito sa cafeteria. Ang ganda ng cafeteria nila rito. Ang lawak at ang linis ng paligid. Nakahilera ang mga pagkain, at halatang masarap ang mga ito dahil sa magandang pagkakaayos nito. "Tatlong L2 nga po, 3 cokes and 3 water please." Sabi ko sa cashier. "350 pesos ma'am." Sabi nito at nag abot ako ng 500 pesos. Kinuha ko na ang order at nagtungo ako sa kinaroroonan nila Dahlia. "Omy! Ang baseball team patungo rito sa cafeteria!" Wow. Sikat talaga sila. "Gago Vesper! Buti natamaan mo yung Curve ball ni Montero hahaha." Si Axis. "Tsamba ko nga lang 'yon! Gago! Ang lakas ng curve no'n konti na lang mabali ang bat ko!" Si Vesper. "Gago ka kasi, wooden bat pa ang gamit mo! Mag metal ka ulol!" Si Axis. Dinig ko ang usapan nila dahil pumwesto sila malapit sa amin. Infairness husky voice naman pala sila atsaka yung Red. Mukhang tahimik ah. Hindi man lang nakikitawa sa mga ka team mates n'ya. Patuloy lamang kami sa pagkain nang biglang magsalita si Dahlia. "Ang gwapo talaga nung Vesper." Kinikilig pang sambit ni Dahlia. "Teka Veronica, napansin kong kamukha mo si Vesper." Ani ko. Ngumiti ito sa akin, "Kambal ko 'yon." Sagot niya. Nanlaki naman ang mata ni Dahlia dahil sa sinabi ni Veronica. Pahiya ka ngayon, kapatid pala niya e hahaha. "Ireto mo nga ako." Biglang sagot ni Dahlia kaya naman napatawa kami ni Veronica. "Ayaw n'ya sa maganda." Tumawa kaming dalawa ni Dahlia dahil sa sinabi nito. "Whatever. Crush at first sight lang naman 'no." Sagot ni Dahlia. "Baka love at first sight 'yon." Sabi ko. "Crush 'yon. Nakita ko lang mahal ko na agad? Crush muna tsaka na yung love 'no." Napahalakhak kami dahil sa sinabi nito. Habang kumakain kami, naramdan kong may nakatingin sa akin. Guni guni ko lamang siguro 'to dahil nasa cafeteria kami at isa pa maraming estudyante rito. Hindi na rin siguro maiiwasan 'yon dahil hindi kami naka uniform tulad nila. "Sikat 'tong school niyo 'no?" Tanong ko. "Hmmm... Maybe? Malakas din kasing competitor ang Westview." Sagot ni Veronica. Natigilan ako sa pagkain ng marinig ko na isa pala ang Westview sa competitor nito. Kung sa Westview siguro kami nag enroll, itong school na 'to talaga ang makakalaban. Bilib din ako sa mga students dito, well mannered talaga. "Ah, balak ko sanang sa Westview na lang kaso ayaw nitong si Dahlia. Mas gusto niya raw dito." Sagot ko. Sabagay, maganda ring school 'to. "Ayaw ko sa Westview kasi nga diba, maaarte ang mga tao do'n." Nakasimangot na sagot n'ya. Napatawa naman ako sa inasal ni Dahlia. Ayaw n'ya talaga sa Westview. Kahit no'ng pinakiusapan kami ni Kuya Volt na sa doon na lang, ayaw n'ya talaga. Ang laki ng galit n'ya sa school na 'yon. "Kunwari naniniwala ako. Magagaling kaya ang mga teachers do'n. Si Kuya Volt na nga ang nagsabi diba, dapat sa Westview na lang tayo." Sabi ko. "Marami ring magagaling na player sa Westview. Balita ko, makakapasok ka lang do'n once na ang overall average mo ay 90+. Mahirap makipagsabayan doon lalo na't lahat ng classmate mo matatalino hahaha." Si Veronica. "Nandito na tayo sa Eagle, kaya 'wag ka ng mag inarte d'yan Vivial." Inirapan ko na lang s'ya. "Oo nga pala, kailan ba ang semi finals. Napansin ko ring ang daming nag ta-try out ngayon." Tanong ko. "Sa September na, pero ang inaabangan na game talaga dito is yung Baseball. Kahit ako, simula ng pumasok si Vesper sa team nakahiligan ko ng manood ng mga baseball game. " Sabi pa ni Veronica. Napatango naman ako at pinagpatuloy ko ang pagkain ko. "Kilala mo ba si Jeymour Prenger?" Tanong ni Dahlia. "Yeah, sikat din 'yon dito. Actually, lahat ata ng gwapo sikat dito. Hindi na ako magtataka na pati kayong dalawa maging sikat dito. Look, ang gaganda n'yo kaya hahaha." Tinawanan na lang namin ni Dahlia si Veronica dahil sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwalang sikat si Jeymour dito. Yung dating uhugin, sikat na ngayon. Simula ng makabalik kami dito hindi ko na s'ya nakausap. Bakit kaya hindi ko s'ya nakita rito? Oh well, baka busy s'ya. "Hindi na rin ako magtataka na 'pag dito lumipat si Zen, hahabulin s'ya ng mga team pa chicks." Sagot ko. "Who's Zen?" Tanong naman ni Veronica. "Bestfriend ko from Japan." Tinanguan n'ya naman ako bilang tugon. "Sus, as far as I know crush ka no'n e. Tingnan mo ah, sa tagal na nating magkakaibigan ikaw lang ina-approach ng hapon na 'yon. Bias ang mokong." Sabat naman ni Dahlia. "Gaga, ako crush no'n? Hindi nga? Sa sungit no'n hindi malabong menopause na 'yon hahaha." Natawa naman sila sa sinabi ko. "Ano nga palang course mo?" Tanong ko. "Bachelor of Science in Tourism management." Sagot n'ya. "Nice, edi classmate tayo n'yan. Pareho tayo e hahaha. Kawawa ka naman Vivial, you're alone." Si Dahlia. "Atleast marami akong makikilala, unlike you." Inirapan niya naman ako. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maubos namin ang pagkain sa lamesa. Grabe, busog na busog ako. Ang sarap nang pagkain dito. "Oo nga pala Captain, sa L'Amour ka mamaya?" Si Axis. "Yeah." Si Red. "Nice, sama kami Captain. Wala rin naman kaming gagawin after class." Si Number 8 yung jersey number. "Tangina nitong si Axis! May nabingwit na namang babae kanina hahah!" Si Vesper. "Gago! Faithful ako 'no!" Si Axis. "Faithful sa mga babae hahaha." Si number 5 yung jersey number. Bakit ang ingay nila mag-usap? Hindi ba nila alam na maraming tao rito sa cafeteria at baka nakakaistorbo sila sa pagkain ng mga students dito. Napatingin naman ako sa ibang mga estudyante at halata naman sa mukha nila na nasisiyahan sila sa pagnanakaw ng tingin sa Baseball Team. 'Kadiri ah.' "Ganyan ba sila mag usap? Maingay?" Tanong ko. "Yeah, makukulit 'yang mga 'yan. Lalo na si Red." Sagot ni Veronica. "Hindi nga?! Si Red makulit? Mukha bang makulit yung lagay na 'yan?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. 'Don't judge a book by it's cover.' 'Kaya 'wag kang judgemental self. Umayos ka, hindi mo pa naman siya nakikilala ng lubos.' "Makulit 'yang si Red lalo na kapag nagsama sama silang tatlo. Si Axis, Vesper at siya." Turo niya pa kay Red. "Mukhang masungit nga e." Sabat naman ni Dahlia. "Mukha lang 'yang masungit." Sabi pa ni Veronica. "Oo nga pala, bakit s'ya yung naging Captain ng baseball team?" Tanong ni Dahlia. "Magaling kasi 'yan. Kaya n'ya rin maging pitcher. S'ya yung nagturo kay Axis ng mga iba't-ibang pitch. Dapat nga s'ya ang magiging ace player ng team pero ayaw n'ya. Mas gusto n'yang maging catcher." Sabi ni Dahlia. "Naks, magaling pala. Ireto mo nga 'tong si Vivial dahil mukhang interesado s'ya kay Red. Minsan ka lang makakakita ng gwapong Captain ng baseball team Vivial Hahaha." Si Dahlia at kinurot pa ako sa tagiliran. "Excuse me, hindi s'ya ang tipo ko 'no." Inis na sagot ko. 'Kahit ano pang gwapo ni Red, hindi s'ya ang tipo ko sa isang lalaki. "Oo nga pala, soccer player ang nais mo hahah." Dagdag pa ni Dahlia. "Bagay kayo ni Red." Sinimangutan ko naman si Veronica dahil sa sinabi nito. "Mas gugustuhin ko pa si Zen kaysa kay Red." Sabi ko pa. "Joke lang naman, ikaw naman hindi na mabiro. Wala namang interest si Red sa mga babae." Sabi pa ni Dahlia. "Ano 'yon? Bading siya? Ganon?" Tanong ni Dahlia. "Hindi, ewan ko basta wala s'yang interest sa mga babae." Napatingin naman ako sa kinaroroonan ng baseball team. Kung titingan mo sila ng matagal, hindi mo aakalaing mga modelo 'tong mga 'to. Sa tikas pa lang ng pangangatawan e. Si Axis na may matangos na ilong, brown na mata, matangos na ilong. Si Vesper na may magandang ngiti, magandang pangangatawan, matangos na ilong at brown hair na sinamahan pa ng singkit na mga mata. Masaya silang nagtatawan pero nahagip ng mata ko ang Captain nila. 'Red Costales was looking at me.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD