TRICIA'S POV
"What are you doing, Riley? Hindi ka na ba naawa kay Haya? Bakit pinagpipilitan mo pa siya kay Duke?" Bungad kong tanong kay Riley na kakalabas lang sa kwarto niya.
Natigilan siya sa sinabi ko. "Why? Mas gusto mo talagang mapunta siya sa babaero mong ex-f**k buddy? Matagal na nating kilala si Duke at mas safe kung siya ang makakatuluyan ni Haya." sabi niya.
I sighed. Kendrick is my past. Ako ang kusang nagprisinta as one of his f**k buddy before. I'm so attracted to him but I don't have any feelings for him dahil may gusto na ako that time kay Dennis; my current boyfriend. Kendrick loves to play with women before, hindi uso sa kanya noon ang salitang commitment but now that he's in love with my younger sister and my sister likes him, all I want to do is to support them.
"Hindi ikaw ang magdedesisyon kung sinuman ang makakatuluyan ni Haya. May sariling isip ang kapatid natin. Hindi mo siya pwedeng ipagtulakan sa lalakeng hindi naman niya gusto." seryoso kong sabi na ikinatawa ni Riley.
"I'm her brother, Tricia. May karapatan akong manghimasok sa buhay ni Haya. Mas panatag ang loob ko kapag si Duke ang makakatuluyan niya at hindi 'yong mukhang adik na lalakeng 'yon. You can't stop me that easily." madiin niyang sabi.
Kung hindi pa nabanggit ni Haya na kung hindi raw si Duke ang pipiliin niya ay magtatangka ulit na magpakamatay ito. That guy is insane! At pinapaburan pa siya nitong si Riley kaya ang lumalabas ay minamanipula at pinagkakaisahan nila si Haya. Hindi dapat pagkakaroon ng relasyon ang nasa sitwasyon niya pero pilit siyang inaangkin nitong sina Duke at Kendrick. Hindi ko alam nung una na magkakilala sila at magbestfriend pa. Ngayon ko lang kasi nakita si Kendrick makalipas ng ilang mga taon.
Napailing ako. "What kind of brother are you, Riley? Talaga bang itinuturing mong tunay na kapatid si Haya? o baka may mas malalim pang dahilan kung bakit itinutulak mo siya kay Duke?" sabi ko dahilan para matigilan siya.
May napapansin ako noon pa kay Riley. Nahuli ko na sila minsan ni Duke na nag-uusap. Ayoko lang magsalita pero may ideya na ako sa pinaggagagawa nilang dalawa.
"A-Anong dahilan? Gusto ko lang si Duke para kay Haya and that's it. Now, kung wala ka nang sasabihin ay aalis na ako-"
"Arissa still loves Luis at alam mo 'yan, Riley." sabi ko at bigla ay sumama ang tingin niya sa akin.
"Wala akong pakialam! Sa akin lang si Arissa at hinding-hindi siya makukuha ni Luis sa 'kin." mariing sabi niya hanggang sa naglakad na siya papaalis.
Tama ang hinala ko at hindi ako papayag sa gustong mangyari ni Riley. I will protect my sister from them.
HAYA'S POV
Pagkababa ko galing sa kwarto ko ay nakita ko sina Mom at Dad na nag-uusap kasama si Kuya Riley sa living room. Napalingon sila sa akin nang makita ako.
"Haya, please come here," utos ni Mom kaya wala akong ibang nagawa kundi ang lumapit sa kanila.
"May boyfriend ka na raw sabi ng kuya mo?" seryosong tanong ni Dad at doon ay biglang nanlamig ang mga kamay ko.
I look at Kuya Riley and he's raising his one eyebrow at me. Sinumbong niya ako kina Mom at Dad at hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa relasyon namin ni Kendrick.
Napayuko ako at pinaglaruan ang mga kamay ko. "Opo." pag-amin ko at bigla ay napasinghap sina Mom at Dad.
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin 'to? Kung hindi pa sinabi ng kuya mo ay hindi pa namin 'yon malalaman." sabi ni Mom na mukhang dissappoint na sa akin.
"I'm sorry po. Alam ko naman po kasing h-hindi niyo ako papayagang magboyfriend kaagad at mas matanda po sa akin ng 10 years ang b-boyfriend ko." nag-angat ulit ako ng tingin sa kanila.
Umiling si Dad samantalang si Mom ay napapikit habang hinihilot ang sentido niya. Nang tumingin ako kay Kuya Riley ay nakangisi ito sa akin.
"Who's that guy, by the way?" Nagsalita na si Dad matapos ng ilang minuto naming katahimikan.
Sasabihin ko ba sa kanila na si Kendrick iyon? Pero kailangan kong maging honest at ito na siguro ang tamang panahon para malaman nila ang lahat.
"Si-"
"I'm Haya's boyfriend, Sir."
Laking gulat ko nang makita si Kendrick na nasa harapan namin at kasunod nito sa likuran niya si Ate Tricia na sobrang sama ng tingin kay Kuya Riley.
Anong ginagawa ni Kendrick dito? Ilang araw rin kaming hindi nagkita at nakapag-usap kaya ngayon ay nagulat ako nang makita siya.
"Kendrick? Ikaw ang boyfriend ng anak ko?" gulat na tanong ni Mom at mukhang kilala niya si Kendrick.
"Yes po, Ma'am." magalang na sagot ni Kendrick at tumingin sa akin. Ngumiti siya pero hindi ko magawang ngumiti pabalik dahil nabibigla pa rin ako sa mga nangyayari.
Kilala na ba talaga niya noon pa sina Mom at Dad? Pero paano? Kung gano'n, bakit hindi man lang niya sinabi sa akin iyon?
"Really? Come on, let's seat beside Haya."
Nabigla ako sa inasta ni Dad nang tumayo siya sa inuupuan niyang nasa tabi ko at doon ay pinapaupo niya si Kendrick. Magalang namang nagpasalamat si Kendrick at umupo sa tabi ko.
Si Dad ay naupo sa kabilang sofa kung saan ay nandoon si Mom. Si Kuya Riley naman ay halos hindi maipinta ang mukha dahil sa nakikita niya.
"You already know Kendrick, Mom and Dad?" nagtatakang tanong ni Ate Tricia.
Ngumiti si Mom. "Of course, we know Kendrick. Anak siya ng college friend namin na sina Kristof at Lea. His parents are the kindest people I've met during our days. Kilala namin si Kendrick dahil inaanak siya ng Dad mo." sabi niya.
Hindi ako makapaniwala. Bakit hindi ko man lang nameet noon si Kendrick kung inaanak pala siya ni Dad? As in ngayong year lang talaga kaming nagkita at nagkakilala.
"Little girl..." Nawala ang atensyon ko kina Mom at Ate Tricia nang kinalabit ako ni Kendrick at hinawakan ang isang kamay ko.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" nagtatampo kong tanong.
"May inasikaso lang ako at nagpagaling muna bago kita harapin at ihanda ang sarili ko sa araw na 'to." mahinang bulong niya.
Doon ko lang napansin ang sugat sa gilid ng kanang mata niya. Sinabi nga pala ni Camille na nag-away sina Kuya Duke at Kendrick sa bahay nila. Nakuha niya siguro ang sugat na 'to kay Kuya Duke.
"We will talk later." sabi ko at bumuntonghininga. Tumango siya habang nakangiti pa rin.
"Ano na, Mom at Dad? Kilala niyo lang 'yang lalakeng 'yan ay mukhang payag na kayong maging boyfriend siya ni Haya? Remember that this guy is 10 years older than her!" pagsabat bigla ni Kuya Riley at nakatitig ng masama kay Kendrick na hindi pinapansin ang masasamang titig nito sa kanya.
"Riley, calm down. Mabait na bata 'tong si Kendrick at alam naming mapapabuti si Haya sa kanya." sagot ni Dad na tinawanan lang ni Kuya Riley.
Tinignan niya si Kendrick mula ulo hanggang paa with his disgust look. "Mapapabuti si Haya sa kanya? Look at him, he has a lot of tattoos na halos tirhan na ng buong katawan niya at hindi niyo ba alam na naging ex-f**k buddy niya si Tricia at nagte-take siya ng drugs noon kaya siya narehab sa America?" he smirked.
Natahimik sina Mom at Dad sa sinabi ni Kuya Riley habang si Kendrick naman ay nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao.
"Why are you bringing our past, Riley? Kendrick changed at alam ko namang kaya ka lang nagkakaganyan ay dahil gusto mong ipagtulakan si Haya kay Duke. Haya likes Kendrick at sana hayaan mo na sila." galit na sabi ni Ate Tricia.
"Because Duke is better than him! Duke is clean and decent guy at mas nababagay lang siya kay Haya. Bakit ba masyado kayong nagtitiwala sa lalakeng 'yan? Hindi niyo naman lubusang kilala 'yan, eh!" sigaw ni Kuya Riley.
"Stop. Both of you!" Dad warned them dahilan para matahimik sina Ate Tricia at Kuya Riley.
"Is that true, Kendrick?" biglang tanong ni Mom kay Kendrick.
"Yes po, Ma'am. Tricia is my past before pero matagal na po 'yon at ngayon ay nagbabago na ako. I was sent to America before dahil totoo pong nalulong ako sa droga at doon ako pinarehab nina Mom at Dad para gumaling at magtino ako. Ngayon po ay nagbabago na ako at isa na si Haya sa dahilan ng pagbabago ko. I know it's sounds cringe dahil in love po ako sa babaeng mas bata sa akin ng sampung taon pero mahal na mahal ko po siya at seryoso ako sa kanya. Hindi ko po lolokohin at sasaktan si Haya." sabi ni Kendrick na ikinatibok ng mabilis ng puso ko.
He has a good intentions to me and he's saying that in front of my parents, I feel so special and very important to his life.
"We didn't know that, we're so sorry, Kendrick. Elementary ka pa kasi nung huli ka naming makita at hindi na namin alam ang mga nangyari sa'yo. Mabuti at kaagad ka naming namukhaan ng asawa ko." sabi ni Mom.
"Okay lang po 'yon. Malinis po ang intensyon ko kay Haya kaya 'wag po kayong mag-alala, makakapaghintay naman po ako sa kanya kahit gaano pa katagal. I really respect and love your daughter so much, Ma'am." Kendrick said.
"We trust you, hijo. Know your limits too. Haya is only 18 years old and I don't want her to get pregnant at her age." seryoso namang sabi ni Dad.
"I know and I don't want to take advantage of her, Sir."
"Just call me Tito Alex. You can call my wife Tita Ana." ngumiti si Dad at nakipagkamay kay Kendrick.
Kendrick took my Dad's hand at nagshakehands sila. Pagkatapos ay hinalikan siya ni Mom sa pisngi at nakipagshake hands rin. Nang tumingin ako kay Ate Tricia ay nakangisi ito habang nakatingin kay Kuya Riley na nakasimangot at kaagad nagwalk out. Hindi na niya napigilan pang tumawa na ikinangiti ko.
"Welcome to our family, hijo!" Mom declared na ikinatuwa ko.
Ang akala ko ay hindi matatanggap nina Mom at Dad si Kendrick. I thought they will judge him because he had a bad past and older than me but I'm wrong. They accepted Kendrick for me. They love me as their youngest daughter at sinusuportahan nila ako sa lahat same with Ate Tricia. Kuya Riley is mad but I'm still hoping na balang araw ay matanggap niya si Kendrick para sa akin. My parents knew Kendrick at inaanak pala siya ni Dad. I can't believe that. Matagal na rin palang konektado si Kendrick sa buhay ko pero ngayon lang kami nagkakilala ng ganito.
Nagtagal pa ng ilang minuto ang pag-uusap nina Mom at Dad kasama si Kendrick hanggang sa nagpaalam na silang matutulog na. It's already 10:00 pm in the evening at may pasok pa sila sa trabaho nila bukas. Umakyat na si Ate Tricia sa kwarto niya dahil magpapahinga na siya.
Naiwan kaming dalawa ni Kendrick sa living room na bigla akong hinalikan sa labi at hinapit ang bewang ko gamit ang isang braso niya.
"I missed you..." he whispered in my ear.
"I missed you too." sagot ko at sumandal sa balikat niya.
I can feel his heartbeat. It's very loud and fast. Katulad nang nararamdaman ko ngayon.
Humarap siya sa akin and he cupped my face. "I'm sorry for being quite in the past few days. Nag-away kami ni Duke at siya ang may kagagawan nito." sabi niya at itinuro ang sugat sa gilid ng kanang mata niya na papahilom na.
"I know. Sinabi sa akin 'yon ni Camille," sabi ko at nang maalala ko na hindi na kami okay ni Camille ay bigla akong nakaramdam ng pagkalungkot.
"Duke will do everything to ruin our relationship but I have no fear to face him. Kahit sirain niya pa ang kotse ko o sagasaan niya ako ay wala akong pakialam basta't ipaglalaban rin kita." sabi niya na ikinahinto ko.
"Ano? Sinira niya ang kotse mo at sinagasaan ka pa niya?" gulat kong tanong.
Tumango si Kendrick. "Yeah. He did that because he's mad at me dahil ang akala niya ay inaagaw kita sa kanya. The reason kung bakit nakacast at may mga sugat ako sa mukha noong bigla akong nagpakita sa ilang araw kong hindi pagpansin sa'yo ay dahil 'yon sa sinagasaan niya ako ng kotse niya na muntik ko nang ikamatay. Na-admit ako sa ospital nun. He's insane and dangerous but I'm not scared with him." Inilagay niya ulit ang ulo ko sa chest niya at sumandal sa likuran ng sofa.
Sa sinabi ni Kendrick ay nakaramdam ako ng matinding galit para kay Kuya Duke. Kahit sarili niyang kaibigan ay gusto niyang siraan at patayin dahil sa akin. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa bestfriend niya.
"Hindi ka ba magsasampa ng kaso laban sa kanya? Kung hindi ka nakaligtas malamang ay n-namatay ka at hindi na kita makikita at makakausap ngayon." nag-aalala kong sabi.
He's caressing my hair and when he's doing that, I feel safe and secure in his arms.
"Nah. It's useless. Sisiguraduhin ko nalang na hindi niya ako pagtatangkaan ulit ng masama. He will never touch you at hindi ko hahayaan na mangyari 'yon." I nodded.
"But I'm so mad at him dahil hinalikan ka niya at pagtatangkaan pa ng masama. Kulang pa 'yung bugbog na ginawa ko sa kanya, e." Iritable niyang sabi.
"Don't do that again. All we have to do is to avoid him." sabi ko.
"I can't promise that, little girl. Knowing Duke ay hindi niya palalampasin 'to. Tanggap na ako ng parents mo at sila ni Riley ay bitter pa rin sa ating dalawa." he chuckled.
I pinch his left cheek. "Hindi mo man lang sinabi sa akin na kilala mo pala sina Mom at Dad." I pouted.
"Hindi ko naman kasi alam na anak ka pala nila. Kahit nga si Tricia ay hindi ko alam na anak nila. I'm only 11 the last time I saw them. Hindi na nga ako nakakapamasko sa Dad mo kapag Christmas dahil hindi ko alam ang bahay niyo noon. Marami pa siyang utang na pamasko sa akin." he playfully said and smiled. Natawa ako.
"Ah, may regalo na pala si Tito Alex sa 'kin na pinaka the best na pamasko kaya bayad na siya sa akin." he said.
"Bayad na? Paano naman?" tanong ko.
"Because you are the best gift that I'd got from him." he seriously said.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa banat niya. Dapat nga magtampo ako sa kanya dahil mahigit 2 days niya akong hindi kinakausap at pinapansin kahit sa mga text at tawag ko sa kanya pero hindi ko talaga matagalan ang gano'n. Mababaliw lang ako kapag hindi kami kaagad nagkasundo at nagkausap.
"I love you, little girl. You're only mine, okay?" he hugged me at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.
This badass bad boy loves me so much and I'm glad because I already love him too.
I love you too, Kendrick but I can't say that right now.