Isinara niya ang laptop matapos ang biglaang meeting niya via video call ky william at sa mga naka overtime ngayon sa opisina para sa panibagong project nila. Kinuha niya na iyong pagkakataon para tapusin ang kailangang tapusin habang abala si kathryn. Iniwan niya kasi muna ito para kasama si maymay. Para naman makapagusap sila ng maayos pero wala din dahil pinuntahan din ng mga bata para mangulit sa kanila. Pero hinayaan naman na din ng dalawa dahil alam naman nila na nagigiliw na din ang kambal sa tita nila. At ng umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay ay hindi niya napigilan na mapangiti ng makita na mahimbing na natutulog na ang apat Si maymay na nakayakap kay kathryn ganon din ang kambal na mukhang sumiksik at mahimbing nalang na nakatulog sa tabi nila Pumasok siya sa loob a

