"Welcome home Mrs.Tavera" Napatingin siya kay daniel pang-ilan na iyon na may bumati sa kanya simula kanina hanggang sa makapasok sila ng main club house kung saan ang receiving area "kilala nila ako? Kanina pa sila bati ng bati" "ofcourse they do" pinagsiklop nito ang mga kamay nila "asawa kita. At bilang asawa ko kailangan kilala ka nila lalo pa at sayo ang buong isla na 'to" "nakakahiya naman" "bakit ka nahihiya? Nahihiya ka na asawa mo ko?" "hindi ah!" napalabi siya "nakakapanibago lalo pa at hindi ko pa din nakakalimutan yung unang beses na pumunta tayo dito" "kaya nga kailangan palitan natin yon ng mga bagong ala-ala." napatingin siya sa mga painting na nakasabit sa lobby. Mga malalaking Portrait iyon ng mga nakaraang henerasyon ng Tavera. Mga portrait ng mag-asawa na

