Chapter 39

3452 Words

Sa lahat ng tao, si nanay ang hindi ko gusto maka alam nang kung ano ang nangyayaring masama sa buhay ko. Ayaw ko siyang masaktan, ayaw ko siyang mag alala. Hanggat kaya ko ang problema at sakit na dinadala ko ayaw ko iyon ipagsabi sa kanya. Hindi ibig sabihin na tinatanggalan ko na siya ng karapatan na malaman ang nangyayari sa akin. Hindi ko intensyon na iyon ang maramdaman niya sa paglihim ko sa kanya. Hindi ko lang kaya na pati siya mahirapan, mag alala, hindi mapakali kapag nalaman niya ang sitwasyon ko. “Nanay mo ako. Sa lahat ng tao dapat ako ang unang maka alam ng nangyari sayo pero bakit ako pa itong walang alam.” At iyon ang mali ko. Sa kakaisip ko sa kung ano ang maramdam niya hindi ko man lang naisip ang maramdaman niya sa paglihim ko sa kanya. Hindi ko man lang naisip kong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD