Sa kagustuhan kong makalayo agad kay Ethan, hindi ko binigyan pansin ang rota ng jeep na sinakyan ko. Basta lang ako sumakay natatakot na baka sundan niya ako. Mabuti nalang at nahimasmasan kaagad ako sa padalos-dalos na ginawa ko.
“Para ho!” ani ko at nag abot ng sampong piso at mabilis na bumaba. Tumawid ako sa kabilang kalsada at nilakad ang sakayan ng jeep pa uwi sa amin. Sa dulo ako umupo, habang hinihintay na mapuno ang loob ng jeep naglakbay ang isipan ko.
Kapag hindi tumigil si Ethan sa ginagawa niyang paglalandi sa akin baka lalo ko lang siyang mamahalin, baka sa puntong ito hanap-hanapin ko na ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung anong laro ang gusto niya. KUng katulad parin ba ng dati na isa lang akong pampalipas oras, parausan, lapitan kapang may kailangan siya.
Hindi na ako katulad ng dati. Natuto na ako sa pagkakamali ko. HIndi na ako masisilaw sa pera dahil sa kagustuhan kong kumita kaagad. Nangako ako sa sarili ko. Nangako ako sa kanya na hindi ko na iyon uulitin pa, pero kung ganito siya sa akin; ang akitin ako, landiin, hindi ko maipangako na hindi ako bibigay.
Kaya hangga’t maaga pa, hangga’t pareho pa namin kayang pigilan ang tukso, lalayo ako, iiwas. Pero paano ko iyon gagawin kung siya mismo ayaw? KUng siya mismo ang lapit nang lapit sa akin? Masisiraan ako ng ulo sa kanya.
“Latasa Village.”
“May bababa, kuya,” sagot ko kay manong drayber. BUmaba ako pagkatapos ko maiabot ang bayad.
MAy mga tricycle na namamasada dito sa village, pero pinili ko ang maglakad pauwi sa bahay. Gusto ko pagkarating ko makatulog kaagad ako dahil sa pagod. HIndi pa ako nakabawi sa antok ko kagabi, kailangan ko makatulog ngayon ng maaga dahil kung magtuloy-tuloy ito baka magka anemia ako.
Pasado alas otso na ako nakarating sa bahay. Tagaktak ang pawis ko. Nadatdan ko si nanay na naghuhugas ng mga plato. Inilapag ko ang aking bag sa ibabaw ng divider at pumasok sa kusina kung nasaan si nanay naghuhugas. Niyakap ko siya mula sa likuran.
“Oh, narito ka na pala. Sandali, ihanda ko muna ang pagkain mo,” aniya.
Bumitaw ako sa pagkayakap. “Si nanay naman, e. Parang naglalambing lang, e,” ani ko sa nagtatampo na tono.
Umingos siya. “Araw-araw mo naman ako nilalambing. Umupo kana roon para makakain ka na.”
Nanulis ang nguso ko at sinunod ang utos niya. HInayaan ko siya na lagyan ng kanin at ulam ang plato ko. Sinalinan niya rin ng tubig ang baso ko, pagkatapos umupo siya sa umupan na nasa harapan ko at hinintay akong matapos kumain habang nag-uusap kami ng kung anu-anong bagay. Ito lagi ang eksena kapag uuwi ako galing trabaho.
“Ako na maghugas nito,” aniya nang matapos ako kumain. “Pagod ka. Doon kana sa silid mo para makatulog ka ng maayos.”
Hindi na ako nakipagtalo pa dahil pagod talaga ako at gusto ng humilata. “Salamat, Nay.”
Nag half bath muna ako. Bago humiga, kinuha ko ang gamot na nakatago sa ilalim ng kama ko. Pampatulog iyon, niresita ng doktor sa akin dahil may mga araw na sinusumpong ako, hindi ako makatulog. At hindi rin ito alam ni nanay. Ayoko mag alala siya. Minsan lang naman nangyayari 'to. Limang minuto ang lumipas dinalaw na ako nang antok. Salamat sa gamot dahil mabawi ko ang isang gabi na wala akong tulog noong nakaraan dahil kay Ethan.
_______
“Halina muna kayong lahat. May announcement galing sa HR,” saad ni Maam Mia. “Kasali ito sa pinag meeting-an nila kahapon with CEO. Dahil sa susunod na buwan na ang anibersaryo ng mall may event sila at isa na itong ‘MODELING FOR MR&MS MILLANIC’. Each department ay mayroong participant kaya dapat mayroon din tayo, hindi pwede na hindi tayo kasali, hindi tayo special para maging exempted.”
“Si Mark sa lalaki,” sabay na suhestiyon nila. Sumang-ayon naman kaagad si Mark.
“Sa girls, sino? Ikaw Jessa?”
“Naku, maam. Sa taba kong ito papasa bilang model? Si Grace na lang.”
“Ay! Naku! Kahit gusto ko pa hindi na bagay sa akin ‘yan, matanda na ako. Si jean nalang.”
“Sa galaw kong mala-brusko, ako ang ilalaban niyo? 'Wag na lang tayo sumali dahil talo kaagad tayo. Si ate Rose na lang.”
“Maawa naman kayo sa department natin, oy! Pagtawanan lang tayo kapag ako ilalaban niyo. Ikaw Ann, baka gusto mo?”
“Kung sa lalaki payag ako pero sa babae pass, tomboy ako.”
Ang ingay nila. Nagpasa-pasahan sila kung sino ang isasali nila sa modeling. Habang ako, tahimik lang sa isang sulok iniisip kung paano iiwasan si Ethan. Mabilis akong napatayo nang makita siya sa labas ng food court. Anong ginagawa niya rito? Bakit nandiyan siya sa labas? Papasok ba siya rito sa area namin?
“Si Lil nalang,” sabi ni Astro.
“Oo nga, maam. Nasa kanya na lahat. Pwera lang sa height pero kere na iyan madaan lang yan sa high heals," sabat ni Jessa.
“Balingkinitan ang katawan,” si Ate Grace.
“Maganda at magaling sa rampahan,” si Jean. “‘WAg ka na umangal, halata sa lakad mo.”
“Nasa iyo ang katangian na hinahanap ng isang model,” umawra pa si Astro na may korona sa ulo.
“Pero, maam-,”
“S-Sir, CEO.”
Kanda utal na sambit ni Rose. Nanigas ang buong katawan ko. Dahil nakatalikod ako sa pintuan hindi ko siya nakita kung pumasok ba siya dito sa diswashing are o kung naroon lang siya sa labas.
“Sir Jake nalang itawag niyo sa akin,” ani ng baritonong boses malapit sa likuran ko.
Mariin akong napalunok nang maamoy ang pamilyar na bago niya. Pa simple akong humakbang patagilid pero kamalas-malas dahil si Astro ang naroon, nakatago ang kalahating katawan niya sa pader at tanging ulo niya lang ang nakadungaw.
Napangiwi ako nang pisilin niya ang kamay ko. “Ang pogi ni sir,” mahinang usal niya, kinikilig.
“Umusog ka, dadaan ako,” saad ko.
Pinigilan niya ako. “D’yan ka lang para matitigan ko ng husto si sir.”
Pesteng bakla ‘to ang harot.
“Pinag-uusapan namin kung sino ang sasali sa modeling,” ani Maam Mia.
“Ah okay. Ipagpatuloy niyo na ang pinag-uusapan niyo. Dimaan lang ako para i-checked kayo,” sagot ni Ethan.
“Tapos na naming pag-usapan, Sir. May napili na kami. Si Mark at si Lil ang sasali.”
“Maam, hindi pa ako nagsabi na papayag ako,” sabat ko.
“Wala ka ng pagpipilian. Tumanggi na silang lahat.”
Para akong binagsakan ng buong daigdig sa sinabi ni Maam Mia. Wala pala akong choice na tumanggi, paano naman ang kagustuhan ko na ayaw sumali?
“Well, good luck . . . sa inyo.”
Pakiramdam ko sa akin niya sinabi ang katagang 'good luck' . Hanggang sa makalabas siya hindi parin ako natinag sa aking kinatayuan. Totoo ba ang sinabi niya na dumaan lang siya dito para i-checked kami; o ako? O, baka nag assume na naman ako sa bagay na hindi naman dapat bigyan ng kahulugan.
“Provided naman ng store ang damit na susuotin niyo kaya wala kayong dapat na alalahanin. At saka may premyo rin ang mananalo hanggang 3rd runner up. Ang hindi papalarin may consolation prize kaya hindi narin lugi. A-attent lang kayo ng rehearsal,” pahabol na saad ni Maam Mia.
Dahil sa pinag-usapan namin, hindi kami nakapaglinis ni Ann. Tinatanggap ko na ang kapalaran ko na ako ang napili, ang problema ko lang ngayon ay ang oras ng kanilang rehearsal. Hindi ako pwedeng gabihin dahil mahirapan na ako na makasakay pauwi, wala nang jeep kapag lagpas diyes na ng gabi.
“HK,” tAwag sa amin ng secretary ni Ethan. “Palinis ng office ni sir.”
“Ikaw na roon, Lil. Tutal, ikaw naman palagi ang naglilinis doon,” saad ni Ann.
Tinaasan ko siya ng kilay. “May crush ka sa HR, no?” bulong ko sa kanya. Umawang ang labi ko nang makita ang pamumula ng pisngi at tainga niya. “Gaga ka! Chika mo yan sa akin mamaya, ha.” saad ko pa at dumiritso sa office ni Ethan.
“Good morning, Sir. “
Nakayuko ang ulo na bati ko sa kanya at dumiritso ng pasok sa loob ng banyo. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin kaya sinara ko ang pinto para makapagtrabaho ako ng maayos. Binilisan ko ang paggalaw ng matapos kaagad ako rito ngunit nasisiguro ko naman na malinis at maayos ang trabaho ko.
Nang matapos, sinunod ko naman ang pagwalis sa sahig. Ramdam ko ang bawat pagsunod ng tingin niya sa bawat galaw ko. . at naiilang ako. Nangangalay na ang leeg ko sa kakayuko kaya nang matapos akong magwalis pinunasan ko muna ang nag iisang glass window dito sa office niya. Pa simple kung inunat ang leeg ko. Pero natapos nalang ako sa pagpunas hindi parin nawawala ang pangangalay ng leeg ko.
Lumipat ako sa cabinet na nasa likuran ng kanyang lamesa. Binalewala ko ang mainit na titig niya. May ginagawa siya sa kanyang laptop pero ang mga mata nasa akin nakatitig. Nang huminto ako sa kanyang likuran umalon ang kaba sa puso ko nang magsalita siya.
“Iniiwasan mo ba ako?” malumanay na tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa ginagawa. Nagpanggap na hindi ko narinig ang sinabi niya. Napasinghap ako nang hawakan niya ng kamay ko at hinila pa upo sa kanyang kandungan. Napakurap nalang ako sa gulat.
“Kung natatakot ka na mawalan ng trabaho kaya mo ako iniiwasan. . hindi iyon mangyayari,” pina upo niya ako ng maayos paharap sa kanya. “Sila ang mawawalan ng trabaho kapag ginawa nila iyon sayo."
Nang dumampi ang labi niya sa labi ko, I closed my eyes at tinugunan ang matamis niyang halik.