Narinig niya lang ang salitang 'Mahal Kita' namutla na ito at hinimatay pa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung lalapitan ko ba siya o humingi ng tulong sa labas. Sa huli, tumayo ako at tarantang binuksan ang pintuan. Nagkagulatan pa kami ni Enrico pagkabukas ko ng pinto nang mabungaran ko siya. Anong ginagawa niya rito? Nanlaki ang mata niya at umawang ang labi nang makita ang kuya niyang nakahandusay sa sahig. "What happened to him?" tanong niya nanatili paring nakatayo sa labas ng naka awang na pinto. "Eh, sinabi ko lang naman na mahal ko siya—," Enrico laughed loudly. Napangiwi ako. Pinagtawan ba naman ang kapatid. Sayang-saya sa nangyari sa kuya niya, na luha pa ang mata niya sa kakatawa. Natigil sa paghakbang papasok si Zaylon na kakarating lang nang makita ang tatay ni

