Chapter 13

1810 Words

Napasinghap ako sa aking isipan. Ang bilis naman niya manghusga. Nakatitig parin siya sa akin at hindi ko matukoy ang emosyon na bumalantay sa kanyang mukha. Naningkit ang mata ko. "Anong pinagsasabi mo?!” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. Naningkit ang mata ko nang magkibit-balikat siya at sumandal sa kanyang upuan. “Malamang busy ako. Trabaho pinunta ko dito, eh," nagkibit-balikat lang siya at walang salita na lumabas sa bibig niya. Mag paliwanag pa sana ako pero para saan? Wala namang rason para magpaliwanag ako sa kanya sa isang bagay na hindi naman totoo. At ano naman ang pakialam niya? Imbis na makipagtalo iniba ko nalang ang usapan. "May iutos ka pa ba?” tanong ko. “Kung wala, aalis na ako. " Hindi natuloy ang pagtalikod ko nang magsalita siya. " Meron pa." " Ano?! "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD