" Tigilan mo ako, Javier. Kung ayaw mong buong linggo ka naman mag araro sa maisan,” sita ni Janice sa asawa na masama parin ang tingin kay Jaxson. “Mag tatatlo na anak natin pinagselosan mo parin ang mukhang unggoy na yan. " " Sakit mo naman, Janice. Parang hindi ka gwapong-gwapo sa akin dati ah. " Napasinghap ako nang mabilis na nilapitan ni Javier si Jaxson at walang kahirap na hinawakan ito sa kuwelyo at kinaladkad ito palabas ng bahay. Natatawa na nagpatianod naman ang lalaki na parang papel lang sa kamay ni Javier. Si Enrico saglit pang natigilan at mukhang nagulat sa ginawa ng kuya niya. " Sapat na iyong anim na taon para pagkatiwalaan kita ng lubos. Tawagan kita para pag usapan natin ang tungkol kay Isabella. Wag ka ng magpakita dito at baka paglihian ka ng asawa ko," mariing sa

