Mahigpit na yakap ang sumalubong kay DJ pagkabukas ng hotel room ni Natasha. “Babe!” bulalas nito sa kanya. “Hi babe!” bulong niya kay Natasha. “I miss you so much,” malungkot na sabi nito sa kanya. “I miss you too. I didn’t expect you to come here,” wika niya kay Natasha. “I want to surprise you,” nakangiting sabi nito sa kanya. “May problema ba?” nag-aalalang tanong niya. “Wala, talagang na-miss lang kita,” tugon nito sa kanya. “Natasha,” sambit niya rito. “Wala talaga, babe,” kinawit nito ang mga braso sa kanya at siniil siya ng halik na siyang tinugon niya. Binuhat niya si Natasha habang patuloy na magkahinang ang kanilang mga labi. Humiwaly siya saglit at kapwa sila nagmamadaling hinubad ang kanilang mga kasuotan. Muling inangkin niya ang mga labi ni Natasha. Ilang saglit p

