“Saan ka galing?” tanong ni Lemuel sa asawang si Natasha. “Lemuel!” gulat na bulalas nito. “Ilang araw kang wala. Ano bang importanteng bagay ang pinagkakaabalahan mo? Mas mahalaga pa ba iyon kaysa sa anak natin?” malamig niyang tanong rito. “Ano ba namang tanong iyan? Alam mo naman na abala ako sa paghahanda para sa charity auction ni Papa,” tugon nito sa kanya. “I see. Iyon nga lang ba?” nagdududang tanong niya sa asawa. “My God! Lemuel, pagod ako sa biyahe. Oh, please... wala akong panahon na makipagtalo sa iyo,” padabog na tinalikuran siya ni Natasha. Napabuntong-hininga siya at naiiling na sinundan niya ang papalayong asawa. “Hanggang kailan ka ba magbubulag-bulagan diyan sa asawa mo?” Napalingon siya sa kanyang Mama. May dala-dala itong dalawang tasang kape. Inabot sa kanya a

