"Glenn.."
Sambit ni Abby. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito gayung kung tutuusin ay wala namang masama sa hinihiling nito. Hindi ba dapat ay matuwa pa siya? Ilang beses din niyang inasam na maranasan, o maramdaman na may makapansin naman sa kanya. Iyong pag-uukulan siya ng panahon, bibigyan ng bulaklak, liligawan..mga bagay na ginagawa ngayon ng lalaking kaharap niya.
Kung itsura ang pagbabasehan ay hindi naman nagpapahuli ang binata, mukha lang maloko at tipong parang lagi na ay nagbibiro, pero hindi naman niya kinakitaan na ginu-goodtime lang siya nito. He's morethan a good catch, ang kailangan nalang ay kilalanin niya ito nang tuluyan. Pero bakit hindi niya makapa ang kasiyahan sa nangyayari? Bakit sa halip na kiligin, matuwa at tumalon-talon ang puso niya sa excitement ay tila binibigti iyon sa kanyang dibdib. Bakit hindi siya makaramdam ng saya, bakus ay kalungkutan pa?
"Glenn.."
Muling bigkas niya sa pangalan nito. Nais niyang isatinig ang laman ng isip. Sa pagkakataon na iyon ay tila nagkakasundo ang isip at puso niya. She's going to say no.
"Give me a chance Abegail..just, don't turn me down..not yet."
Marahil ay napansin ni Glenn o nahulaan nito ang isasagot niya kaya inunahan siyang maka-pagsalita. Kaya ayun na naman siya, umurong ang dila at muling hindi maka-pagsalita.
"A month. All I need is one month Abby, after that, you can decide if you'll turn down this once in a lifetime opportunity to be my girlfriend."
Abby snorted but laugh anyway. Hindi naman mahangin ang dating nang pagkakasabi ni Glenn sa huling linyahan nito, marahil ay nais lang nitong pagaanin ang tensyon at pagkailang na nararamdaman niya?
" Ganoon ka kasigurado? One month lang talaga huh? "
" I'm that confident."
Proud na sagot nito. Hindi niya tuloy maiwasan ang mahawa sa mga ngiti nito. At ngayon na mas nama-masdan at naka-kausap niya si Glenn, ay napagtanto niyang charming naman pala ito.
"So..is that a yes?"
Tanong nito. Nangingiting, naiiling na pinanood niya ang pagtaas-baba ng kilay ni Glenn bago niya nagawang tumango.
"Damn, yes!!"
Medyo napalakas na sigaw nito, kasabay nang pagpukpok ng kamay sa ibabaw ng mesita dahilan para maagaw nila ang atensyon ng ibang naroroon. Pinanlakihan niya ng mata si Glenn at saka itinakip ang palad sa bibig nito.
"Eskandaloso ka, hindi pa naman kita sinasagot ah. Nililinaw ko lang."
Mariing paalala niya bagaman napapangiti naman.
"So? Let them know, I'm just happy, at isa pa, doon din naman papunta iyon."
Sagot nito matapos alisin ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito. Pairap na umayos siya ng upo at lumingon-lingon sa paligid na sana'y hindi na lang niya ginawa dahil ilang hakbang lang mula sa table nila ay nakatayo si Rony at nakatingin sa kanila.
Aside from his creased eyebrows, he is devoid of any other facial expressions. It's too late to divert her eyes and pretend that she didn't saw him, so she managed a small smile on her lips for acknowledging his presence, but to her utter disappointment he just ignored her. Naglakad ito patungong pintuan at ipinagbukas ang papasok na babae doon.
Nang makapasok ang babae ay humalik ito kay Rony at umangkla sa braso nito. Gusto niyang umiwas ng tingin, ayaw niyang panuorin habang nakikipag-usap ito doon at inaayos ang off shouldered nitong damit. Gusto niyang umiwas ng tingin at huwag bigyan ng pansin ang tila nagma-malfunction na niyang puso. Bakit siya nasasaktan nang ganoon? Bakit habang tumatagal na pinapanuod niya ang mga ito ay lalong bumibigat ang pakiramdam niya. At bakit pakiramdam niya ay mahapdi ang mata niya..
Napasinghap siya nang sakupin ng kamay ni Glenn ang buong mukha niya bago pa man malaglag ang luha sa kanyang mga mata. Kagyat siyang napatingin dito, awang ang labi, at hindi makapaniwala. Paano niyang nakalimutan na kasama niya si Glenn sa mga sandaling iyon? Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatunghay sa gawi nila Rony, kaya paniguradong kitang-kita ni Glenn ang bawat reaksyon niya.
"Tsk, kapag inaalat ka nga talaga."
Napapakamot sa ulo na sabi nito.
"Sorry,"
Hinging paumanhin niya. Sinusubukan niyang huwag nang lumingon pa sa lugar kung saan naroroon si Rony.
"Why are you apologizing? Alam ko naman na fan ka ng singer na 'yon.., but tell you what? I can sing too,"
Maaskad na anunsyo nito kaya sa hindi mabilang na pagkakataon ay muling napa-iling si Abby sa dalang hangin ni Glenn.
"What? Hindi ka naniniwala? I'm multi talented Abegail, I can sing, and I can dance as well. Kung hindi nga lang ako mahiyain ay pihadong artista na sana ako ngayon."
Doon na tuluyang natawa ang dalaga. Pinahid niya ng daliri ang luha sa sulok ng kanyang mga mata, kaya hindi niya nakita ang malungkot na ngiting sumilay sa labi ni Glenn habang minamasdan siya. Hindi niya rin nakita kung paano nagbago ang tingin nito kay Rony habang mariing nakakuyom ang kamay.
***
"Illana, ang tagal mo'ng hindi nagpakita ah."
Salubong ni Bianca kay Illana. Bumitiw naman si Rony upang bigyan ng espasyo ang dalawa. Bahagya siyang gumilid, nangingiti habang pinapanuod na magbeso-beso ang mga ito.
Habang nagku-kwentuhan ang girlfriend at kaibigan niya ay doon siya muling nagkaroon ng pagkakataon na mabaling ang atensyon kay Abby. Tumatawa ito habang nakikinig sa lalaking kaharap. He remember that guy, how can he forget that arrogant face. Nang lumingon ito sa kanya at samaan siya ng tingin ay mariin niyang naikuyom ang mga kamay. Ginantihan niya ang titig nito, pero tila may kung anong pumitik sa ulo niya nang haplusin nito ang pisngi ni Abby at paglandasin iyon patungo sa tenga, at laruin ng daliri ang maliit na piraso ng hikaw na naroon.
Umiwas siya ng tingin at itinuon sa iba ang pansin, pero kahit na titigan niya ang bawat kwadrong naka-display, ang bawat librong na-a-abot ng kanyang mga mata ay hindi niyon maalis sa isip niya ang katotohanang apektado siya sa presensya ng mga ito. Lalo niyang nararamdaman ang pait na iyon simula nang ipagtapat ni Abby na may pagtingin ito sa kanya. Subalit ang ikina-da-dagdag niyon sa inis niya ay ipinapakita nitong balewala lang iyon dito.
"Hoy!"
"s**t!"
Gulat na sambit niya nang mapahakbang siya sa lakas ng tampal sa kanyang likuran.
"The hell is wrong with you?"
Lingon niya sa salarin.
"You're spacing out stupid. Ginising ko lang ang tulog-mantika mong diwa."
Salubong ang kilay na sabi ni Joseph. Doon lang niya napansin sila Bianca at Illana na buong pagtatakang nakatingin sa kanya.
"Are you okay?"
Tanong ni Illana.
"Yeah, I'm good. I'm just thinking, that's all."
"Still thinking about work?"
"Y-yeah.."
Halos magbara sa lalamunan niyang sagot. Ipinilig niya ang ulo upang kahit papaano ay magliwanag ang takbo ng utak niya, ngunit sadya yatang sinusubok ang pasensya niya nang mapatapat sa kanila si Abby na mukhang tapos ng kumain at palabas na.
Patay-malisya na lang sana siya ngunit ang kasintahan naman niya ang pumigil dito. Do they know each other?
"Ikaw iyong sa comfort room right?"
Tanong ni Illana kay Abby na nagtatakang kini-kilala muna ito.
"I gave you a lipstick, remember me?"
Turo pa nito sa sarili. Nang magliwanag ang mukha ni Abby, tanda ng pagkakakilala nito dito ay bahagya pang yumuko si Illana upang makipag-beso na tila ba dati na silang magkakilala.
"It's nice to see you again. I'm Illana."
"H-hi..I'm Abegail."
Asiwang sagot naman ni Abby bago lumipat ang tingin kay Rony.
"Oh, he's my boyfriend, maybe you recognize him?"
"R-Rony.."
Tila wala sa sariling bigkas ni Abby.
"Babe, you really are famous, she knows you."
Natutuwang baling nito kay Rony.
"His face are literally everywhere,"
Glenn shrugged, pertaining to the billboards and other stuff.
"And yes, he knew her."
Nakangising dagdag pa ni Glenn na bahagyang ikina-alarma ni Rony.
"Talaga? How?"
Ani Illana.
Tiim-bagang na tiningnan ni Rony si Glenn na matiim ding nakatingin sa kanya. Bumaba ang mga mata niya kay Abby na naghihintay sa isasagot niya.
"She's just a fan. "
Sagot niya, hindi inaalis ang pagkakatingin sa dalaga.