"Sayang talaga, akala ko pa naman makikita na natin ang prince charming mo."
Sa hindi mabilang na sandali ay muling sabi ni Amanda. Ngumiti lang si Abby habang nilalaro ng daliri ang straw sa kanyang iced tea.
"Wala tayong magagawa kung hindi natin natyempuhan. Marami pa naman pagkakataon hindi lang ngayon. Isasama ko kayo ulit kapag may tawag ako sa studio."
Ani Joey.
"Buti sana kung malapit lang kami eh manggagaling pa kami ni Abby sa Cavite Joey."
Reklamo ni Amanda.
"Bakasyon naman, bakit hindi nalang muna kayo doon sa bahay ko mag-stay?"
Suhestyon nito. Nagkatinginan ang magkaibigan. Si Abby na alanganin sa bagay na iyon at si Amanda na tila umilaw pa ang mata sa narinig.
"Bakit nga naman hindi, gayong ikaw naman ang nagpi-prisinta at hindi ka naman namin inu-obliga. At habang nandito kami bakit hindi mo na rin kami ilibot nitong si Abegail sa mga pasyalan ng masulit naman ang pagkupkop mo sa amin."
"Amanda ano ka ba, nakakahiya naman dito kay Joey, at isa pa wala pang alam sila nanay."
"Ano ka din ba Abby, ma-jonda ka na. Lagpas ka na agelimit na kailangan lagi ng parental guidance. Kahit umuwi kang buntis baka nga ipag-lechon ka pa ni tita Linda."
"Grabe ka naman Amanda, akala mo naman napakabata mo eh malamang may sapot na rin iyang sayo."
Supalpal ni Joey dito.
"Hoy! Kahit papaano naman nakakatasan pa rin itong sa akin. Iyang si Abby namemeligro na ang bukal niyan, malapit na ang tagtuyot diyan."
"Bunganga mo Amanda! Maryosep babae ka ba talaga?"
Nakangiwing sita dito ni Joey.
"Oo naman gusto mo bang makita?"
Akma nitong bubuksan ang suot na pantalon pero mabilis na tumalikod si Joey na para bang itak ang ipapakita niya dito.
"Isa pa rin iyang si Joey eh kaya hindi nakakapag-asawa."
Halos maiyak sa kakatawa na ani Amanda.
"Pero kidding aside Abby. Loosen up a little. Magpapaalam naman tayo sa parents mo. Wala ka naman gagawin sa inyo. Wala din ako gagawin sa bahay, kaya mag-enjoy na lang muna tayo dito."
"Sige."
Sunod sa agos na sagot niya.
***
Matapos manggaling sa studio ay isinama ni Joey ang magkaibigan sa kanyang tirahan sa Parañague. Simple lamang iyon at hindi kalakihan pero sa gaya ni Joey na namumuhay mag-isa ay sobra-sobra na iyon para sa binata.
Para sa isang matikuloso sa paglalagay ng kulorete sa mukha ay kabaliktaran naman niyon sa pamamahay ng binata. Hindi organisado ang mga gamit at muntik pang matisod si Amanda nang sumabit ang paa sa nakahambalang nitong pantalon sa sahig.
"Sabihin mo nga ang totoo Joey nag-offer ka ng bahay mo para makalibre sa kasambahay ano?"
Natatawang pinulot nito ang nagkalat na damit sa sahig, inayos ang mga upuan na nawala sa tamang ayos at binitbit ang pumpon ng x-rated magazines.
"Binata ako at very active Amanda."
Natatawang katwiran nito.
"At balak mo kami patirahin dito habang gumagawa ka ng lindol sa kalaliman ng gabi ganoon?"
"Ofcourse not. Huwag kang mag-alala wala pa naman ako nakakapareha na iskandalosa. Anyway, aayusin ko na muna itong bahay, babalik pa naman kayo sa Cavite diba?"
"Oo, siguro sa susunod na araw na lang kami babalik para naman ma-abisuhan mo ang mga kerida mo na may magiging housemates ka muna."
Nakangising inakbayan ni Joey si Amanda, iyong tipong masakal-sakal na ang dalaga sa panggi-gigil nito.
"That's right Amanda. Napaka-sharp mo talaga."
Gaya ng napagkasunduan ay umuwi muna sa Cavite si Amanda at Abby upang magpaalam na magbabakasyon sa Manila. Taliwas sa ibang mahihigpit na magulang ay walang alinlangan ang pahintulot na ipinag-kaloob ng mga magulang ni Abby, tinulungan pa nga siya ni Linda na mag-empake na kung hindi pa niya pinigilan ang nanay niya ay tila doon na yata siya pinatitira na as usual, ay ang tungkol na naman sa lovelife niya ang puntirya.
Tatlong araw matapos nilang umuwi ay sinundo pa sila ni Joey sakay ng isang pick up. Joey and Amanda looks super close together, infact she would have assume that they're into each other. When she first ask Joey if he likes Amanda, he just laugh so hard until his ayes watered. Sadyang close lang daw sila at hindi daw nito ma-imagine ang kaibigan na pinapatungan sa kama. Meaning he is not romantically or sexually attracted to her friend. Magkagayunman ay hindi niya maiwasan ang mainggit sa mga ito. Se edad niyang iyon, ni minsan ay hindi niya naranasan ang maging ganoon ka-close sa isang lalake, maliban na lang noong nasa Pangasinan siya.
Matapos makapag-paalam sa nanay at popsie niya ay bumalik na sila sa Maynila. Ang balak nila ni Amanda ay isang buwan na bakasyon at hiling niya na sana, kahit bago man lamang matapos ang isang buwan na iyon ay makita niyang muli si Rony. Sabihin ng etsusera siya, o feelingera, but a girl can dream right? And right now, she dreams for him. And if given an opportunity..she won't hold back. She will tell him what she feels. She won't waste another year or years fretting and regretting for "what if's" .
If given a chance..
Nakangiting nasa isip ni Abby.
Pagdating sa bahay ni Joey ay himalang mas malinis iyon kumpara sa unang tapak nila doon. Bago na din ang set ng upuan sa sala nito.
"Ipina-sound proof ko na din ang kwarto ko para iwas eskadanlo."
Tumatawang anito habang inilalapag ang ilang gamit nila sa tapat ng silid na o-okupahin.
"Naku pasensya ka na Joey, napagastos ka pa tuloy."
Nahihiyang ani Abby.
"Maniwala ka d'yan friend. Walang ganoon kalaking pera yan para ipa-sound proof ang kwarto niya. Pusta pa tayo, credit lang din yung sala set niya eh."
Taas kilay na pang-aalaska ni Amanda sa kaibigan na kaagad naabot ang dalaga at inipit ang ulo sa pagitan ng kili-kili nito.
" Eh kung pina-pautang mo ba ako eh."
Gigil na anito. Naiiling na hinila na lang ni Abby ang ilang gamit papasok sa silid habang naghaharutan ang dalawa.
"Ah, oo nga pala Abegail!"
Tawag pansin ni Joey bago pa makapasok siya makapasok sa silid.
"May pupuntahan tayo mamayang gabi."
Makahulugang ngisi nito sa kanya bago muling itinuon ang pansin kay Amanda na namumutla na yata mula sa pagkaka-ipit sa mga braso nito. Kibit-balikat na muli niyang itinuloy ang paghila sa kanyang gamit.