Maayos ang naging unang linggo ng mga bata sa eskwela. Nagkaroon rin sila ng mga bagong kaibigan at nakapag-adjust na si Rese sa pakikihalubilo sa ibang mga bata. Nakabihis na ako at excited na sa first day ko bilang CEO ng aming kompanya. Nagluluto ako ng breakfast ng kambal. Wala kasi si Josh at nagliliwaliw sa Zambales. Natanggap ko kagabi ang text niya na safe raw siyang nakarating at nagbobonfire raw siya mag-isa sa isolated na isla. Naunang bumaba si Rene na kasunod ang tumatawang si Rese. Maganda aking ngiting isinalubong ko sa kanila. "Good morning, Nay!" Sigaw ni Rese at humalik pa sa pisngi ko. Humalik rin ang nakasimangot na si Rene. "Oh? Bakit ganyang ang mukha mo? Ang aga pa anak ah?" Nilagyan ko ng gatas iyong baso niya. "Naiwan ko kasi yung

