Bago pumasok sa opisina ay mabilis akong tumayo upang maaga akong makarating sa coffee shop nina Clyde. Nagbihis ako ng black office pants at isang three fourths na white sleeveless. Di na ako nagtaka na pagkapasok ko sa pintuan ay naroroon na si Von. Tumunog ang bell kaya't napatingin siya sa direksyon ng pintuan. Nakaupo siya at kausap si Janiel, yung dating fiancé ni Clyde. "Gabbie," nakangiti niyang sabi. Binuka pa niya ang kanyang mga braso at naglahad para yumakap. Ngunit di ko iyon pinaanyayahan. Bagkus ay humarap ako kay Janiel at tipid na ngumiti. "Kamusta?" Malapad ang kanyang ngiti at tiningnan si Von. "Breakfast date? Kayo ba?" Tanong niya pa at ngumisi. "Late na ako sa trabaho." Kunwari ko pang chineck ang aking relo. "Order na kami? Asan yung m

