ANALYN "Huwag ko akong unahan love, baka mahimatay ka na naman. Masakit kaya sa puson, akala mo lang." Tudo iwas sa akin si Shawn. Isang linggo mula nang mahimatay ako sa ginawa namin. Sobrang hiya ko naman nang magising ako. Hindi ko naman jasi akalain na mawalan ako nang malay. Pero kahit ganun ang nangyari kahit nabitin siya. Inasikaso at inaalagaan niya pa rin ako. Hindi ko naramdaman na nawalan siya ng gana sa akin. Mas naramdaman ko pa lalo ang pagmamahal niya sa akin. Mula din nun hindi na siya ulit nagtangka na may may mangyari ulit sa amin. Mabilis lang na halik ang ginawa niya sa akin. Ayaw niya na daw akong pilitin. Hihintayin niya raw na kusa ko nang ibigay sa kanya. Nandito kami ngayon sa silid ng aking kwarto. Walang trabaho sa taniman kaya nagpasya kaming mamasyal sa mall

