CHAPTER TWO

1398 Words
ANALYN "Sigurado ka na ba dito best? Sinabi ko naman kasi sa'yo na duon ka nalang sa bahay ni Lolo. Bakit kailangan mo pang tumira dito. Hindi ko na i-imagine na ang isang katulad mo titira dito. Parang ako Ang nahihirapan sa'yo best." Wika ko kay Khala ng maihatid ko na siya sa gusto niyang bahay na titirhan. Iwan ko ba sa babaeng ito kung bakit ito ang trip niya. "Okay na ako dito best. Don't worry about me. Salamat! Kapag may kailangan ako o problema dito, tatawagan kaagad kita." Nakangiti niyang sagot sa akin. Makikita ko sa mga kilos niya na parang excited pa sa gusto niyang buhay kaya hinayaan ko na lamang. Tinulungan ko muna siya mag-ayos ng kanyang mga gamit. Magsisimula na rin ako bukas sa pag training sa taniman ni Lolo. Kaya hindi na ako makadalaw sa kanya ng madalas. "Basta kapag may problema tumawag ka kaagad. Bakit ba kasi ganito ang trip mo? Pwedi ka naman mag travel around the world. Pero ito talaga ang pinili mo. Kaloka ka!" Nakataas kilay na sabi ko sa kanya. Ngunit ningisihan lang ako ng loka. Alas kwatro na ng hapon ko siya iniwan. Kailangan ko na rin umuwi dahil sinabi kanina ni Lolo na may pag-usapan pa kami tungkol sa kanyang taniman na mga prutas. "Ingat ka dito best. Mga mabait naman ang mga kapitbahay mo kaya safe ka dito. Basta kapag may kailangan ka tawagan mo ako kaagad. Alam mo naman na one call mo lang pupuntahan kaagad kita." Wika ko sa kanya. "Maraming salamat best. Huwag ka ng mag-alala pa sa akin. Kaya nga gusto kong maranasan ang simpleng buhay. Kapag may kailangan ako tatawagan kita kaagad kaya huwag ka ng sumimangot diyan." Kumindat pa ang loka kaya sabay nalang kaming tumawa. "Apo kamusta ang kaibigan mo? Ayos ba siya sa kanyang bagong bahay? Bakit ba kasi ayaw niya dito? Malaki ang naman ang bahay." Bungad ni Lolo ng makapasok ako sa loob ng bahay. Nakaupo siya sa sala kasama ang taong ayaw kong makita. Nagtama ang aming mata kaya inirapan ko siya at lumapit kay Lolo upang mag mano. "Okay na daw siya Lo, duon. Gusto niya daw kasi maranasan ang simpleng buhay kaya sinuportahan ko nalang siya Lo." Sagot ko kay Lolo. Magpaalam na sana ako na pupunta na ako sa aking silid ng inutusan akong na umupo sa kabila dahil ngayon na namin pag-uusapan ang tungkol sa gagawin ko bukas. Isang linggo na ako mula na dumating duto. Pina pahinga muna ako ni Lolo kaya bukas na daw ang simula ko sa pamamalakad ng kanyang taniman. "Bukas ka na mag- umpisa sa pamamalakad ng ating mga taniman. Kaya si Shawn na bahala sa'yo." Nangunot ang aking noo sa sinabi ni Lolo. "Bakit, Lo? Diba driver mo siya? Saka bakit kailangan ko pang may kasama. Diba, pupunta lang ako sa taniman mo tapos i-check ang mga na harvest na mga bunga tapos okay na?" Tanong ko kay Lolo. "Hindi sa ganun lang apo. May mga tamang propeso sa pag harvest ng mga prutas. May oras, petsa at buwan na dapat tandaan sa pagharvest at pagtanim ng mga prutas. Alam kong malaki ang maitulong ni Shawn sa'yo dahil galamay niya na ang pasikot-sikot. " Napanguso ako sa sinabi ni Lolo. Pasimple kong tiningnan si Shawn ngunit ganun nalang ang aking pagkagulat na titig na titig pala siya sa akin kaya tinaasan ko ito ng aking kilay. Nakita ko naman na ngumiti siya sa akin . First time siyang ngumiti sa akin. Dati parang may malubha akong sakit na kapag makita niya ako lumalayo siya kaagad at nakasimangot ang kanyang mukha. "Pero Lolo bakit siya pa? Wala na bang iba. I mean kung siya ang kasama ko. Paano ka? Sino ang mag drive sayo? Diba bodyguard mo din siya at driver?" Palusot ko dahil hindi ko talaga kaya na makasama siya ng matagal. Naka move on na ako kaya who you na siya sa akin ngayon. "Ma'am, kailangan kitang turuan paano ang tamang propeso sa taniman. Driver pa rin naman ako ni Sir Salvador." Wika niya sa baritonong boses. Ngunit hindi ko siya sinagot. "Apo, matanda na ako kaya hindi na ako masyadong umalis ng bahay. Kaya nga si Shawn na ang bahala sa'yo na turuan ka tungkol sa pamamalakad ng ating taniman. Sapagkat alam na niya ang lahat. N'ong wala ka pa dito, siya ang pansamantala na nagbabantay sa ating taniman dahil hindi ko na kaya ang magtagal duon." Nakasimangot akong tumango kay Lolo. Kahit ayaw ko, wala naman akong magawa baka atakihin pa siya ng high blood. "Teka apo, kanina ko pa napapansin na hindi mo manlang pinapansin si Kuya mo Shawn?" Napa ngiwi ako sa sinabi ni Lolo. Narinig ko naman ang pag-ubo ng lalaki. "Lo, bakit Kuya. Ang tanda niya na kaya. Parang Tatay ko na nga tapos tawagin kong Kuya?" Biglang humalakhak ng tawa si Lolo. Samantala ang lalaki napaubo ng malakas. Gusto kong ipaalam sa kanya na wala na akong pakialam sa kanya. "Grabi ka naman apo sa Tatay. Alam mo bang kahit isa walang pang may pinakilala itong si Shawn na girlfriend sa akin? Tapos tawagin mong Tatay." Natutuwa pa rin na sabi ni Lolo. "Baka bading Lo." Pa-inosenti kong sagot kay Lolo. Lalong lumakas ang pagtawa ni Lolo. Humahawak pa siya sa kanyang tiyan sa pagtawa. "Ma'am, sumusobra ka na. Kanina Tatay, ngayon naman bading. Ma'am lalaki ako, walang lang talaga akong nagustuhan na babae kaya wala pa akong girlfriend." Matigas niya sabi niya sa akin. Napikon yata. Pero biglang kirot akong naramdaman sa sinabi niyang wala siya nagustuhan na babae. Kaya Pala paulit-ulit niya akong e-reject nuon. Inirapan ko lang siya at tumingin ulit kay Lolo na tumatawa pa rin. "Apo ,pinasaya mo ako sa mga joke mo. Ikaw ba Apo may boyfriend ka na sa Manila?" Tanong ulit ni Lolo. "Ahm! Lo kung sakali na meron po. Magagalit ka ba? " Tanong ko kay Lolo. Ngunit ang hinayupak na lalaki biglang tumikhim ng malakas na parang may bara sa kanyang lalamunan. "Ayos ka lang Shawn?" May pag-alalang tanong ni Lolo sa kanya. "Pasensya na sir, biglang may bumara sa aking lalamunan. Pero ayos lang ako." Anya. "Ilang beses ko nang sabihin sa'yo iho. Na huwag mo na akong tawagin na Sir. Lolo nalang, total parang apo na rin kita." Malumanay na sabi ni Lolo. Tumingin naman si Lolo sa akin saka ngumiti. "Apo kung magka boyfriend ka. Dapat makilala ko muna para makilatis. Hindi naman ako papayag na Ang maging boyfriend mo ay Hmhindi kagaya ng Kuya mo Shawn." Napanguso ako sa sinabi ni Lolo. "Lo ayaw ko nga sa matanda. Tapos gaya pa niya ang gusto mo para sa akin. Parang sinasabi mo Lo na matanda ang gusto mo para sa akin?" Gusto ko talaga asarin ang lalaki na kanina pa matalim na nakatingin sa akin. Parang galit dahil sa pagtawag ko sa kanya na Tatay at matanda. E! totoo naman. "Apo m, diba dati mas gusto mong makasama palagi si Kuya mo Shawn? Mas gusto mo pa nga dati na siya ang maghatid sundo sayo sa school mo." May pagtataka na tanong ni Lolo. "Dati pa 'yun Lo. Ngayon ayaw ko na makasama ang matanda. Ang boring kasi Lo kasama ang mga matanda. Walang alam sa latest." Natutuwa kong sagot kay Lolo. Nakita kong kumuyom ang kamao ng lalaki. Ano problema niya? Tanong ko sa aking sarili. "Ikaw talaga na bata ka. Maka tanda ka, kay kuya mo Shawn wagas. Siya sige maiwan ko muna kayo dito. Mag-usap muna kayo tungkol sa trabaho mo bukas. Kailangan ko muna gumamit ng banyo. Saka sabay na rin tayo mamaya kumain ng hapunan." Tumayo na si Lolo at humawak sa kanyang tungkod. Tumayo naman ako para sana alalayan siya ng pinigilan niya ako. "Kaya ko na apo. Mag-usap muna kayo d'yan ng Kuya mo." Sabi ni Lolo sabay hakbang. Ayaw mo naman makausap ang hinayupak kaya ng tuluyan makalayo si Lolo. Tumayo na rin ako para sana umalis. Ngunit bigla siyang nagsalita. "Kamusta? Can we talk?" Anya sa mahinang boses. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. May kung anong akong naramdaman na kakaiba sa aking puso. Sapagkat ngayon ko lang narinig ang malumanay niyang boses habang kinakausap ako. Samantala nuon laging nakasimangot at parang galit siya kapag sinasagot niya ang aking tanong. Hindi ko siya pinansin at tuluyan ko na siyang iniwan sa sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD