Addison's POV Nagising ako ng makaramdam ng lamig. Bakit nakababa ang kumot ko? Ganon ba ako kalikot matulog? Even my dress ay medyo nakataas. Naalala kong nandito pa rin pa nga pala ako sa condo ni Kuya Clyde. Tumayo na ako at naglakad papalapit sa bintana at hinawi ang kurtina para makita kung umuulan pa ba o hindi. Mukhang umuulan pa rin pero hindi na ganon kalakas tulad ng kanina. Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko at napag alaman na alas singko na pala. Halos limang oras din akong tulog. Lumabas na ako ng kwarto ni Kuya Clyde para hanapin siya. Nakita ko syang nakaupo sa isa sa mga sofa sa sala niya. Nakayuko si Kuya Clyde habang nasa hita niya ang magkasaklob niyang kamay. Mukhang malalim ang iniisip niya kaya hindi niya ako napansin. "Kuya Clyde" tawag pansin ko sa kanya

