Chapter 6

1837 Words
Addison's POV "So ano na nga? Ano ang chismis? Anong balita? Kamusta yung bonding ninyo nung girlfriend ni Axel?" tanong ni Ashley habang may tinatype sa computer niya. Tambak kasi ngayon ang trabaho namin lalo na ako dahil di ako pumasok sa opisina nung sabado. Bilib din ako dito kay Ashley, nakukuha pa ring sumagap ng chismis kahit ang dami naming ginagawa. Napabuntong hininga lang ako sa tanong ni Ashley. "Hoy hoy hoy! Ano yang buntong hininga na yan ha? Mukhang may nangyari ha? Share ka naman diyan dali." pagsali ni Jane sa usapan "Huy ano ba kayo? Kung makapagtanong kayo diyan parang walang trabahong nakatambak satin ah. Mamaya na Ang chismis, madami tayong kailangang tapusin ngayon, okay? Saka baka makita tayo ni Mr. Jimenes, dagdagan pa trabaho natin." pananaway ko sa kanila. "Ano ka ba? Nasa office niya si Mr Jimenes. Saka sa dami din nung ginagawa, hindi na non magagawa pang lumabas sa office niya para pagbawalan tayo noh. Tsk! Kaya bilis na! Share mo na yang nangyari sa lakad niyo. Ano bang nangyari ha?" pangungulit pa rin ni Ash kaya wala na akong nagawa kundi magkwento. "Sigh! Edi ano pa nga ba? Disaster! Ewan ko ba? Mga sis sabihin niyo nga sakin, mahirap ba akong pakisamahan? A-ano? like awkward ba akong magsalita o kaya may nasasabi ba akong masasakit na salita na hindi ko alam? Ano? Sabihin niyo nga. Be honest!" "Ano ka ba! Walang mali sayo noh! Di ka awkward magsalita. Well, okay siguro noon oo, pero duh! Nakita naman namin ni Ashley na unti-unti kang nag iimprove eh. Unti-unti ka nang lumalabas diyan sa comfort zone mo. Siguro nakatulong din yung pagiging magkakaibigan natin. Like hello! lahat kaya ng lumalapit sa amin nahahawahan namin ng kabaliwan namin ni Ashley..." Wika ni Ashley na sinang-ayunan naman ni Jane. "But anyway, hindi ka masakit magsalita Addison. Kilala ka namin, iniisip mo muna yung mga sinasabi mo bago ka magsalita dahil ayaw mong makasakit ng damdamin ng iba." mahabang paliwanag ni Ashley na sinang ayunan naman ni Jane sa pamamagitan ng pagtango. "Bakit ba bigla-bigla ka na lang nagtatanong ng mga ganyang bagay? Ano bang nangyari sa lakad ninyo nung Violet na yon?" tanong ni Jane "Sigh! Kasi naman mga sis, imbes na maging close kami, ayun! Mas lalo pang nagalit sakin. Hindi ko alam kung mali lang ba yung paraan ng pagkakasabi ko o ang bilis niya lang talaga ma-misinterpret yung mga sinasabi ko." "Eh teka teka! Ano ba kasing mga sinabi mo sa kanya?" tanong naman ni Ashley "Well nung una tinanong ko siya kung na-traffic ba siya dahil late na siya ng 40 minutes sa oras na pinag usapan namin. Tapos sumigaw na siya agad. Kesyo bakit daw nagagalit ako. Like ghorl! Kung di lang ako nagtimpi dahil girlfriend siya ng pinsan ko baka sumabog na ako...." "...pero ayun nga, imbes na magalit ay pinaliwanag ko na lang sa kanya na hindi naman ako galit, aba! Nag-alala pa nga ako kung bakit na late siya eh. Baka kako napano na siya diba pero nagalit din siya kesyo gusto ko daw na mapahamak talaga siya..." "And then the second one is nung nasa restaurant na kami. She asked me kung ano yung reaksiyon ko nung nalaman ko na siya daw yung girlfriend ni Kuya Axel. I said I was surprised. Dahil sa kanilang apat di ko ineexpect na si Kuya Axel ang unang magkaka girlfriend-" di ko pa natutuloy yung kinukwento ko nang sumabat si Ashley. "Sabagay ako rin eh. Sa kanilang apat I thought it would be Clyde who will have a girlfriend first. I didn't expect it to be Axel." sabi ni Ashley "Eh pano magkakagirlfriend yon eh puro flings lang alam non?" singit naman ni Jane. "I know Jane! It's just that sa kanila kasing apat si Clyde ang magaling makipag socialize sa mga tao so I assume na siya ang unang makakahanap ng girlfriend niya" Ashley "Clyde is a playboy, Ash! At ang mga playboy takot sa commitment. Ang alam lang nila ay paglaruan ang mga puso nating mga babae. Papaasahin tayo tapos pag nahulog na tayo saka na nila kukunin kung ano talaga ang pakay nila. Eh ano pa ba? Ang Bataan! Tapos pag nagsawa na sila saka nila tayo iiwan. Tapos tayo naman si tanga iiyak at magmumukmok para lang sa mga walang kwentang mga playboy na yan." galit na paliwanag ni Jane "Wow ha! Lalim non ah! Saan mo nahugot yan? Ano yan sis may pinagdadaan lang ganon? Ikaw ha sinasabi ko na nga ba may hindi ka kinukwento samin eh. Ano yon ha? Sabihin mo dali!" sabi ni Ash "Wala noh! Galit lang talaga ako sa mga playboy. Ang pinaka ayoko kasi sa lahat yung mga hindi nagseseryoso sa relasyon nila." paliwanag ni Jane "Ay sus! Maniwala ako sayo! Magtutuos tayo mamaya. Magkukwento ka sa ayaw at sa gusto mo!" Ash "Sira! Edi wag kang maniwala kung ayaw mo. Bahala ka kahit pigain mo pa ako wala kang makukuha sa akin dahil wala naman talaga akong mabibigay saying kwento." sagot naman ni Jane. "Ano? pag uusapan na lang ba natin yang mga playboy na yan oh itutuloy ko na yung kwento?" tanong ko sa kanila "Ay oo nga pala hehe! Sorry! Sige na tuloy muna hehe" biglang sabi ni Ash "Sigh... anyway ayun nga, hindi ko ineexpect na si Kuya Axel ang unang magkakagirlfriend at kung magkakagirlfriend man siya I thought she would be like him na tahimik, mahilig mag aral at mahiyain. You know what I mean? Si Ate Violet kasi sobrang out going person. She also have a very strong personality. Pero kahit na ganon, hindi naman ako tutol sa relasyon nila noh, like anong pake ko don eh pinsan lang naman ako...." "Anyway, iyon nga, sabi ko hindi ko ineexpect na sila ang magkakatuluyan. Tapos nagulat ako kasi nagalit na naman siya bigla. Tinanong niya kung ano yung pinapahiwatig ko. Na hindi sila bagay ni Kuya Axel? Nakatayo na siya at sumisigaw doon. Madami na ring nakatingin sa amin kaya nataranta ako tumayo din ako para sana pakalmahin siya pero nabangga ko yung lamesang pinagkakainan namin kaya natapon sa kanya yung tubig at lemonade na iniinom namin. Kaya mas lalo pa siyang nagalit dahil ayon daw ang susuotin niya para sa photoshoot niya sana nung araw na ding yon." Halos hingalin ako sa pagpapatuloy ko ng kwento sa kanina. "Alam mo sa haba ng kinuwento mo. Isa lang ang masasabi ko...... She deserves it. Buti nga sakanya" sabi ni Jane "Isa lang din masasabi ko..... I agree! buti nga sa kanya." Pangangalawa pa ni Ash "I would be lying if I will say na hindi ko rin naisip yan that time. Like inis na inis na ako nung mga oras na yon.... Pero kasi ngayon... arggh! Bigyan niyo na lang ako ng advice para maayos ko tong gulong to. Ayokong magkaaway din kami ni Kuya Axel dahil sa nangyari." sabi ko sa kanila. "Alam mo wala kaming ibibigay na advice sayo dahil in the first place hindi naman ikaw ang may kasalanan. Aksidente yung pagkatapon ng iniinom niyo sa damit niya. Kung hindi kasi siya nagalit at sumigaw agad di naman mangyayari yon. Yung malditang Violet na yun ang may kasalanan mini-misinterpret niya kaagad lahat ng sinasabi mo." sabi ni Ash "Oo nga! Naku yung babaeng yon. Kung alam ko lang na ganun pala ang ugali niya edi sana hindi ka na namin pinayagan na makipagkita don sa babaeng yon kahit yung mga pinsan mo pa ang nag suggest na magbonding kayong dalawa." sabi din ni Jane "Naku kawawa naman ang bunso namin. Inaapi na pala ng hindi namin alam." nakapout na sabi ni Ashley sabay yakap sakin. Ganun din ang ginawa ni Jane. Eto ang gusto ko sa kanila. Hindi na lingid sa kanilang kaalaman na naghahanap ako ng kalinga ng isang ate. Kaya minsan kapag malungkot ako hindi sila nahihiya na ipakita sa akin ang mature side o yung pagiging ate nila kahit na magkakasing edad lang kaming tatlo. Mas madalas nga lang talaga nila ipakita yung crazy side nila. Kaya minsan iniisip ko kung bakit naghahanap pa ako ng ate eh nandito naman tong dalawang to. Pagkakalas ng pagkakayakap nila sakin ay siya ring biglang pag vibrate ng cellphone kong nasa desk ko. Lagi lang naka vibrate mode ang cellphone ko kapag nasa opisina ako dahil required dito yon para hindi kami makabulabog ng ibang mga nagtatrabaho kapag may tumawag samin. Kumalas ako sa yakap naming tatlo para tignan kung sino ang tumatawag. Kuya Clyde Calling.... Si Kuya Clyde. Bakit naman kaya? Sinagot ko ang tawag "Hello Kuya Clyde! Napatawag ka?" [Hello Addy! Can I ask you a favor?] "Well it depends. Ano ba yon?" [Can you come to the studio?] "Ha! Why? Saka hindi ako pwede may trabaho pa ko." [Please? It's urgent. Don't worry tinawagan ko na si Leo. Sinabi ko na ipagpaalam ka niya sa boss mo na aalis ka.] "Ha!? H-hoy Teka! Ano ba kasing kailangan mo sakin? Bakit kailangan ko pang pumunta diyan sa studio?" [Dito ko na lang ieexplain sayo. Basta pumunta ka ha. Hihintayin kita. Bye] "Ha! Ano? Teka sandali! Hello! Hello Kuya Clyde?" Mukhang binabaan na ako ng cellphone. And by the way yung studio na sinasabi niya ay ang lugar kung saan madalas siyang kinukuha para sa photoshoot dito sa Pilipinas. Nakapunta na ako dun ng ilang beses dahil sinasama niya ako minsan kapag may photoshoot siya. Matagal na rin yon. Yun yung mga panahon na nag iisip pa lang siya ng kukunin niyang course. And then may nagrecommend sa kaniyang isang kaibigan na magmodel. Tinry niya naman dahil wala naman siyang ginagawa pa ng mga panahong yon and hanggang sa tumagal na naeenjoy niya na ang pagmomodel. Kaya modelling na ang kinuha niya and the rest is history. "Miss Natividad" Nakarinig ako ng tumawag sakin kaya nilingon ko ito. Nakita ko si Sir Jimenes. Napatayo ako bigla ng makita ko siya "A-ah yes Sir! Do you need anything? Dont worry Sir patapos ko na po yung ginagawa kong report" mabilis kong tugon sa kanya "Huwag mo ng tapusin yan. Tinawagan ako ng Head. Nakausap niya daw ang isa sa mga Natividad. Pinapayagan na kitang umalis." seryosong sabi ni Sir Jimenes "S-sige po Sir. Thank you po." sabi ko. Tinanguan lang ako ni Sir sabay balik sa office niya "Himala ata hindi nagsungit si Sir Jimenes ngayon. Ano kayang nakain na pagkain non ng mapakain sa kanya araw araw." sabi ni Jane "Baka stress lang sa trabaho. Tambak din kasi yung gagawin niya. Baka wala na siyang oras para magsungit" sabi ko "Edi dapat pala araw araw siyang stress para hindi niya tayo nabubulyawan hahaha." Singit naman ni Ashley "Sira!" Sabi ko sabay iling. Wala na talagang pag asa tong dalawang to. "Oh sige na! Alis na ako. Hinihintay na ako ni Kuya Clyde." "O sige ingat ka ha. Bye." "Sige Bye!" At ngayon si Kuya Clyde naman ang poproblemahin ko. Ano naman kayang kailangan ng isang yon? Hay nako....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD