Addison's POV I tried to ignore him and just walk straight out of the room but I didn't expect him to block me before he casually closed the door. "Let me go." Mahina pero may diin na sabi ko habang pilit pinapakalma ang pagtambol ng puso ko. "I will not allow you until you talk to me." Seryosong sabi nito sa akin. "Naghihintay na sila Lola sa baba. So Please lang! Palabasin mo na ako." I said at pinapanatili na mahina lang ang boses dahil baka may makarinig sa amin. I doubt naman na maririnig kami nila Lola mula sa baba. Pero yung mga maids? We're not sure. Baka anytime may pumunta dito sa second floor at marinig kami. Kaya kailangan ko pa ring mag-ingat. Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko at tinignan lang ako ng diretso sa mata at nagsimulang maglakad patungo sa kinaroroonan ko.

