Addison's POV Paunti unti ay bumabalik ang aking kamalayan. Gising na ako pero hindi ko pa maidilat ang aking mga mata. Sobrang bigat at sakit din ng buong katawan ko. Para akong sumabak sa gyera sa sakit nito. Kahit hirap na hirap ay pinilit ko pa ring dumilat dahil di narin ako komportable sa kung ano mang mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. At ng tuluyan ko nang magawa iyon ang unang tumambad sa akin ay ang puting kisame. Sinubukan kong ibaling ang ulo ko sa kanan at kulang pa ang salitang gulat ng makita ko si Kuya Leo sa tabi ko. Binaling ko ulit ang ulo ko sa kaliwa at mukha naman ni kuya Marcus na mahimbing na natutulog ang aking nakita. Sinubukan kong umupo at muntik na akong mapahiyaw ng makaramdam ng sobrang sakit sa ibaba. Kahit nahihirapan ay pinilit ko pa ring umup

