(Abby) Swerte ko talaga ngayon, parehong nasa Manila ang parents ko. Ibig sabihin, pwede akong sumama kina Angelie at Jillian ngayon gabi. Nagyaya kasi ang mga ito sa akin na pumunta sa isang bar. Pwede naman daw namin dayain ang edad naming tatlo. Nagawa na daw nila itong dalawa. Kung nandito ang parents ko, alam kong hindi ako papayagan ng mga ito. Wala naman maglakas loob sa mga katulong na pigilan ako sa plano ko, takot kaya sila sa akin. Wala din maglakas loob na isumbong ako sa parents ko. Isa lang naman kasi ang taong kilala ko, na sipsip sa parents ko at feeling kung ano na sa akin. Ang tinutukoy ko ay si Xavier. Ito lang ang laging pumipigil sa akin oras na matakasan ko na sana ang aking mga magulang. Bakit ba kasi at lagi akong nahuhuli ng Xavier na 'yon? Para makaganti

