MIS 42

1770 Words
(Alaina) I looked at the sky, napakaaliwalas ng panahon. Hindi tulad ng nadarama ko ngayon. It's been a months since my world collapsed and until now, I'm still on the process of fixing it. Para akong bumabalik sa panahon na natuklasan ko ang kataksilan ni daddy, ang dahilan kaya naghiwalay sila ni mommy. I'm lost but not alone. Marahan kong hinaplos ang aking malaking tiyan, my unborn baby is already at her 35 weeks old. At it's been almost 7 months since I left Philippines and back here at New York. At mula nung umalis ako, wala na akong balita pa tungkol kay Haven. There were times that I still think about him. Actually, almost all of the time. Despite everything that he done to me and everything that happened between us, I didn't denied the fact that I'm still love him. But not all story ended up being together. Sometimes, it will be better to go the other way, for the good of all. Tulad nalang ng naging wakas sa estorya namin ni Haven. I chose to leave. Pinili ko ang magparaya para sa ikakabuti ng lahat. I close my eyes and then, I can't help but to remember everything. ----- (Flashback) "What do you want?"tanong ko kay Celestine na sinadya nya ako dito sa opisina ko. "I'm not here para makipag- away sayo. I am here to apologize for everything." Napataas ang kilay ko. I know her very well. I know that behind her innocent face is a b***h. "Pwede kana umalis. Ayaw kong makipagplastikan sayo Celestine."pagpapalayas ko sa kanya. Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong pagbabasa sa mga dokumento na nasa mesa ko. "He said that he will fix everything. He said that he loves you. You win. Ikaw naman talaga ang mahal nya." Napaangat ako ng mukha sa sinabi nya at mariin akong tumitig sa kanya. "Totoo naman 'yong sinabi ko sayo na balak kalang nyang gantihan. Sabi nya, na pag makaganti na sya sayo. Magpapakasal kami para maging buo ang pamilya namin. Naniniwala ako sa sinabi nya kahit alam kong hindi naman nya ako mahal, napipilitan lang sya dahil may anak kaming dalawa. Pero nabaliw na naman sya uli sayo. Minahal ka na naman nya uli."tumulo ang luha nya. Tumayo ako. "I don't have time to intervene with your issue with Haven. Ako na nga ang nagpaubaya, diba? Kung natutunan man nya akong mahalin uli tulad ng sinabi mo, hindi ko na 'yong problema. Sana naman, wag nyo na akong guluhin."matatag kong sabi. Oo. Lagi akong ginugulo ni Haven. Lagi syang gumagawa ng paraan para kausapin ako at ipaliwanag yong side nya. At aaminin ko, malapit na akong bumigay uli sa kanya. "My office door is open, pwede ka ng umalis."inilahad ko pa ang aking kamay paturo sa pinto. Kailangan na nyang umalis dahil naramdaman ko na naman na parang gusto kong maiyak. At ayaw kong umiyak uli sa harapan nya. "Please Alaina, just this once. Ikaw nalang ang kusang lumayo sa amin. Wag mo naman tuluyang agawan ng ama ang anak namin. Kailangan ko si Haven. Kailangan sya ng anak namin. May sakit ang anak namin. Meron sya CLL (Chronic Lymphocytic Leukemia). Isa lang ang pangarap nya, ang mabuo lang kami. 9 years ko din itinago ang anak ko. Mag- isa kong binuhay hanggang sa narealize ko na hindi ko pala kaya. Kaya please, ibigay mo nalang si Haven sa amin."naluluhang sabi ni Celestine. Nakatitig ako sa kanya. At parang sirang plaka na paulit- ulit sa isip ko ang sinabi nya. May sakit ang anak nila ni Haven. At aaminin ko man o hindi, naaawa ako sa kanya. Naaawa ako sa anak nila ni Haven. Hindi ko mapigilan ang mapaluha narin. Sa narinig ko, dapat ko pa bang ipagsisikan ang sarili ko at ang anak ko sa buhay ni Haven. May anak na ito at may sakit pa. Ayaw kong ako ang maging dahilan para hindi matupad ang matagal na pangarap ng anak nilang dalawa. Ang huling kahilingan nito. Nang umalis si Celestine, hindi ko napigilan ang aking sarili na mapahagulhol. Ang sakit nah! Napakasakit! Napakasakit isipin na muntik ko ng agawan ng kasiyahan ang batang may malalang sakit. ---- "Alaina, please, makinig ka naman sa akin. Magpapaliwanag ako. Hindi ko inten---" "Umalis kana. May anak na kayo ni Celestine. Wala kang obligasyon sa akin. Kay Celestine ka may obligasyon." Napalingon ako kay Haven. Dalang- dala ko ang mga gamit ko. Babalik na ako sa San Bartolome at sa mga susunod na araw, babalik na din ako sa New York para doon na uli manirahan. Tinatatagan ko masyado ang aking sarili kahit gusto ko na ang umiyak. Buong- buo na ang aking desisyon na magparaya. Alam kong may karapatan din naman ako, dahil buntis naman ako at magkakaanak din kami. Pero, si Celestine ang una. Samantala parang kabit lang naman nya ako. At ang anak nila ni Celestine ay may malalang sakit. Naawa din naman ako kay Celestine. Siyam na taon na itinago ni Celestine ang anak nila ni Haven. Ramdam ko rin ang pinagdaanan nya. Sya ang nauna, sya ang mas may karapatan. "Please, mahal na mahal kita. I'm sorry. Hindi ko naman tatalikuran ang obligasyon ko. Magpapakaama parin naman ako. Hindi ko naman tatalikuran ang obligasyon ko sa kanila." "Mahal?" pagak akong natawa. "Siguro nga mahal mo ako pero hindi mo din mapigilan ang matukso. Alam mo ba kung bakit hinihiwalayan kita noon, dahil nahuli ko ang kataksilan mo. Kitang- kita ng dalawa kong mata ang paghahalikan ninyo ni Celestine sa labas ng pad mo. Totoong minahal kita noon. Hindi kita totoong ginamit. Ang kapal ng mukha mo para maghiganti. Paulit- ulit kitang tinanggap, pero paulit- ulit mo rin akong sinasaktan." Hindi ko na napigilan ang pamamasa ng mga mata ko. Sobrang bigat ng dibdib ko ngayon, kaya medyo habol ko ang aking paghinga. Ramdam ko ang paninigas nya sa aking sinabi. Siguro, hindi nya napaghandaan ang katotohanan na alam ko ang kanyang kataksilan. "Babe, magpapaliwanag ako. Hindi ko-----" "Magpapaliwanag? Lagi mo nalang sinasabi na magpapaliwanag ka, pero wala naman akong naririnig na paliwanag mula sayo. Lagi parin kitang tinatanggap kahit wala akong narinig kahit isang salita mula sayo." Hindi ko na mapigilan ang matinding pagdaramdam ko sa kanya. "This time, magpapaliwanag na ako. Wag mo lang akong iwan. Please, Alaina. Don't leave me again. Please, hindi ko naman tatakasan ang obligasyon ko kay Celestine." Nagsusumamo ang kanyang mga titig sa akin. Nakatulo na 'yong mga luha nya. Pinigilan ko ang aking sarili na madala na naman sa mga pambobola nya sa akin. Pinunasan ko ang aking mga luha. "Have you heard yourself Haven? May sakit ang anak ninyo. Kailangan ka nila pareho ni Celestine."napakalma ako sa aking sarili. "And maybe, mahal mo nga siguro ako Haven. Pero, may nadarama karin para kay Celestine. Dahil kung wala, hindi ka makipaghalikan sa kanya. At kung mahal mo nga ako, hindi mo ako pag- iisipan ng masama. You won't take a revenge on me." Hinawakan nya ang aking kamay kaya natigil ako sa paglalagay ng mga gamit ko sa kotse. "Hindi ko sinasadyang sabihin yon. It was unintentional. At I didn't ki----" "Please Haven, wag mo nang dagdagan ang pasanin ko ngayon." Pakiusap ko sa kanya. My eyes is pleading on him. "May anak kayo ni Celestine, may malalang sakit ang anak ninyo. Wag mo nang dagdagan ang guilt na nadarama ko ngayon. Ulitin ko, may malalang sakit ang anak ninyo ni Celestine. Mas kailangan ka ng anak mo. Magpapakaama ka sa kanya. Hindi na magbabago ang pasya ko. Tanggapin nalang natin na hindi tayo ang para sa isa't- isa, please." masakit para sa akin na sabihin ang mga katagan na binitawan ko ngayon. " You know what, they need you. Me, I don't." Nabitawan nya ako. At para syang napaurong sa aking sinabi. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Nanatili syang nakatayo sa aking harapan. "Alaina..." Natigil ako sa akmang pagpasok ko sa loob ng kotse at napalingon ako sa kanya. Ang kanyang mga mata ay tila nag- uutos sa akin na bumalik sa kanya. Punong- puno ng mga luha yon. "Please..."naiiling kong sabi, muli akong napaluha. "Please, hayaan mo na ako." Huling sinabi ko bago ko tuluyan pinaandar ang kotse. Wala tigil ang paghikbi ko habang nasa byahe. Kailan ba matatapos ang sakit na nadarama ko ngayon? Do I deserve this? Isinumpa ba ako para lahat ng lalaking mamahalin ko, sasaktan lang ako? First, si dad.Then, si Haven. I stop the car, dahil parang naging blurred na yong paningin ko. Iyak ako ng iyak. Naitapat ko ang aking palad kung saan nandun ang aking puso. It's to painful. Parang pinipiga iyon puso ko. Hindi ko kaya pero dapat kong kayanin. Nakahaplos ako sa aking tiyan. "I'm sorry baby. I'm sorry!" (End) ---------- ---------- Ibinuka ko ang aking mga mata. Hanggang ngayon, inuusig parin ako ng aking konsensya. I know that I become selfish with my decision. Inalisan ko ng karapatan si Haven na makilala at makasama ang anak namin. At inalisan ko rin ng karapatan ang anak ko na makilala at makasama ang kanyang ama. But that was the best decision that I have to do. Masakit pero kailangan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko dito sa isang steel chair at napagpasyahan ko na pumasok na sa loob ng bahay. Naabutan ko si mommy na masaya habang may kausap sa cellphone. "Your dad asked about your expected due date. Pupunta daw sya dito." Aniya nang sandaling lumingon sa akin. Si dad pala ang kausap nya sa phone. "Last week of next month."maikli kong sagot. Napaupo ako sa sofa at hinarap ang aking cellphone. Ilang buwan na akong hindi nagbubukas sa social media. At napagpasyahan ko na mag scroll ngayon. Rinig na rinig ko parin ang masayang kwentuhan nina mommy at dad. This past months mula ng nabuntis ako, I always heard them talking in the phone. Well, until now, they both single. At umaasa ako na sana magkaroon din sila ng second chance. Patanda na sila, and kailangan nila pareho ang makakasama sa buhay. Nagpatuloy ako sa pagscroll. Napatigil ko na may nadaanan ako sa aking newsfeed. The day she said I do, are also the day that I start breathing. Kasabay sa caption ay isang singsing na medyo blurred ang kuha. That cryptic post is Haven's post. Hindi ko ang maintindihan ang iba't- ibang emosyon na nadarama ko ngayon. Nasaktan ako. Nanghihinayang ako. Nanghihinayang ako sa lahat ng namagitan sa aming dalawa. Siguro, ikinasal na sila ngayon ni Celestine. At hindi na kami pwede ni Haven. Ang pinangarap kong masayang pamilya na kasama sya at ang anak namin ay hindi na matutupad pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD