Kasalukuyang akong nag floating ngayon sa swimming pool namin. Kailangan kong malamigan dahil kanina pa ako parang puputok sa sobrang galit. Talagang hindi ako tinitigilan ni Haven. Kanina pa sya tawag na tawag sa aking cellphone. Mukhang isa sa kasiyahan nya ay ang inisin ako ng sobra.
Wala sana sa plano ko na ibigay ang cellphone number ko sa kanya kung hindi lang dahil sa project namin. Ako pa naman ang leader at kailangan ko talaga ang Haven na 'yon. Dahil kung hindi nyo lang naitatanong, napakatalino talaga ng masamang damo na 'yon.
Mas lalo akong nainis sa isipin na makikita ko na naman ang pagmumukha ng bweset na lalaking iyon ngayon. Pupunta kasi ngayon hapon sa mansyon namin ang mga ka-group member ko para simulan na namin ang project namin.
Na out of balance ako nang nakita ko ang isang multo na nakatayo sa gilid ng pool.
"Careful babe, I don't want to drown you in the water. I want to drown in my kisses."
Nakangisi na sabi ng impaktong nag- aanyong tao.
Inayos ko ang aking sarili, hanggang sa nakabawi na ako.
"What you're doing here? You almost killed me!" bulyaw ko sa kanya.
"Killed you? It's not my fault if you got easily affected with my presence."
Kahit napakalamig ng tubig sa pool pero umiinit na talaga ang dugo ko ngayon.
"Affected with you? Multo ka nga sa paningin ko." I calm myself. I inhaled a lot of air. Pero bahagya akong napaubo. Masamang hangin yata 'yong nalanghap ko.
"Easy babe!"
Sinamaan ko ng tingin ang may dala ng masamang hangin.
"Anong ginagawa mo dito? You're not welcome here!"
Umupo sya sa steel chair na nasa gilid ng pool. Sobra na talagang kakapalan ang kanyang mukha. Parang feel at home lang ang delubyo! Pa alas kwatro pang naupo.
Manhid ba sya? Hindi ba nya nahahalata na hindi sya welcome dito sa teritoryo ko?!
"Aren't you forget, may usapan tayo ngayon?! Pupunta kami ngayon dito sa mansyon ng magiging biyenan ko, in the future."
Yucks talaga sya! Ayaw kong pansinin ang sinabi nya. Baka sabihin na naman nya na apektado ako. Alam kong iniinis lang nya ako. I realized..... hindi ko sya dapat binibigyan ng satisfaction dahil nagtagumpay sya na inisin ako ng sobra.
I should focus kung bakit sya nandito nang ganitong oras!
"Hoy multo sa aking paningin, hindi ko nakakalimutan! Anong akala mo sa akin? Ulyanin?! As far as I could remember, you're 3 hours early." pinamaywangan ko sya.
"Ganun ba?" tila nag- isip sya. "Oo nga noh! Ako yata ang ulyanin. Excited kasi ako na makita ang babe ko."
Hinagod nya ako tingin. Nag- init ang pakiramdam ko sa ginawa nya. Kahit pa nakalusob ang kalahati ng aking katawan sa tubig pero parang pakiramdam ko nakikita nya lahat- lahat sa akin.
"Ang swerte ko talaga! Malakas talaga ako ni Lord!"
Nag ngitngit na naman ang kalooban ko. Mukhang lihim nya akong binabastos.
At idinamay pa talaga nya si Lord sa mga kalokuhan nya. Kung ako lang sana si Lord, binabatukan ko na sya.
Sorry Lord! Hindi ko sinasadyang idamay ka sa inis ko nitong walang kwenta mong nilikha!
Ayaw ko sanang umahon mula sa tubig kaya lang, nakaramdam na ako ng sobrang ginaw. Kumukulo pa naman ang dugo ko sa kanya. Kaya para na akong lalagnatin ngayon.
Kainis, nasa bahagi ni Haven ang suot kong roba. No choice ako kaya lumangoy ako sa bungad nya. Alam ko na sinundan nya ako ng tingin.
"Wow! I always wondered how sexy you are and now I know." nakangisi nyang sabi pagkatapos akong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Inirapan ko sya. At mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pagsuot sa roba bago pa sya makakita nang maipintas sa akin. Kahit na sigurado naman ako na walang maipintas sa perpektong makinis kong katawan. Pero, iba itong kaharap ko ngayon. Sagad ito sa kabaliwan at sama ng ugali.
"Siguro, mas sexy ka tignan kung walang damit."
Tumayo sya at humarap sa akin.
Bweset! Napakamaniac talaga ng Haven na 'to. Mukhang kaya nya akong gawan ng masama.
Correction! Talaga nga palang marami na syang kasamaan na nagawa sa akin.
"Bastos!"
"Hindi 'yan kabastusan, babe. Isa 'yang paghanga. Mahilig pa naman ako sa magaganda at isa ka na dun. I wonder kung ano kaya ang hitsura mo pag walang takip ang katawan mo." pilyo nya akong nginitian.
Umuusok na yata ang ilong ko na nakatingin sa kanya.
"Haven Cristomo, I would like to remind you na nasa teritoryo kita. And I can do everything that I want to do in you right now." pananakot ko.
"Really babe? He grinned. " Like what?"
"Pwede kita ipalapa sa mga baliw namin aso. 'Yon kasing baliw mo!"
"Ganun ba? Oh! I'm scared!"
Nanginig pa raw sya pero nakangisi naman.
Impakto talaga sya! Kailan ba sya pupunta sa impyerno? Maybe, he has a plan of dragging me to hell with him.
Napailing ako sa aking naisip. Maybe, he's not even welcome in hell, kaya nandito parin sya sa lupa.
Aawayin ko pa sana sya nang.....
"Ija Alaina..." Ani ni daddy, napatigil sya sa iba nyang sasabihin nang napatingin sya sa masamang lalaki na nasa aking harapan. "May bisita ka palang guapo. May boyfriend kana pala?"
Parang bomba iyon sa aking pandinig. Boyfriend? Para na akong masusuka.
"Good day po Mayor Velasquez!" nakangiting bati ni Haven kay dad. "I'm not Alaina's boyfriend. I am her classmate. May project po kaming gagawin ngayon. Haven Cristomo po."
Kinilabutan ako. May nakatago palang pagkamagalang itong bastos na Haven na ',to.
"Cristomo?" ngumiti si dad at tuluyang lumapit sa amin ni Haven. " Are you Bret and Monique's son?"
"Yes po!"
Anong nangyari ng Haven na 'to at parang naging maamo itong tupa sa pagiging magalang? Hindi lang ako sanay!
Lumapad ang ngiti ni dad na para bang nakarinig sya ng isang napakagandang balita. Saka sya bumaling sa akin.
"Alaina baby, bakit hindi mo sinabi sa akin na may kaklasi ka palang isang Cristomo?"
Why should I? Ano ba ang Haven na 'to?
"It doesn't matter, dad!"
"Anong it doesn't matter? Bret is my college buddy. We're that close na napag- usapan pa namin dati na ipakasal sa isa't- isa ang mga anak namin."
Napataas ang kilay ko sa sinabi ni dad, habang hindi naman nakatakas sa aking paningin ang lihim na pangisi ni Haven.
And so?
Kung meron pa sigurong ibang anak si dad na babae, baka pwede pa. Pero dahil ako lang naman ang nag- iisa nyang anak, kaya imposibleng mangyari iyon.
Ayaw ko din naman sa kakambal ni Haven na si Hayden. Saksakan kaya iyon ng suplado, para din tuod na walang ka- emosyon- emosyon ang mukha.
Si Ethan ang gusto ko kasi isa syang perpekto na katulad ko.
Bumaling naman si dad kay Haven.
"Dito pala nag- aaral sa San Bartolome ang anak ni Bret, akala ko nandun sa Manila. I know that they are living there. I bet you're genius too, just like your dad."
Genius talaga sya dad, lalo na sa kabastusan at lagi nya akong binabastos.
"My twin brother and I decided to study here in San Bartolome when we reached high school, to stay close with our cousins. And we also wanted to be in touched with our parents high school alma mater, sir."
"How sweet you are, ijo. Alaina baby, bakit hindi ka muna magbihis, tapos ipasyal mo itong napakabait na si Haven sa loob ng mansyon natin. Nakakahiya naman sa kanya.
Napakabait?! Yucks!
"Wag kang mahiya dad. Makapal nga ang mukha nya."
Hindi ko mapigilan sambit nang nakita ang nakakainis na nakangising mukha ni Haven.
"Ano ang-----"
"Sobrang close po kami ni Alaina, dad-- I mean tito. Mahilig po kaming magbiruan. Minsan nga parang brutal na 'yon lumalabas sa bibig namin dalawa." si Haven, at umakbay pa sa akin."Ikaw talaga! Magbihis kana baka malamigan kapa. Diba, nangako kapa sa akin na ipasyal ako sa buong mansyon ninyo."
Lihim kong sinamaan ng tingin itong impakto na umakbay sa akin.
Kung nakakamatay lang sana ang tingin, baka 50/50 na sya sa hospital ngayon.
"Ganun naman pala, ija!"
Later......
Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni daddy na ipasyal ko itong malas sa aking buhay. Kanina pa kami umikot- ikot sa buong mansyon. Buti nalang at hindi nagkamali itong kasama kong masamang elemento na painitin ang aking ulo.
At hindi din naman ako ipinanganak na 100% sa kamalditahan, kaya pinakisamahan ko nalang ng mabuti kahit papaano itong kasama ko.
Nasa loob kami ngayon ng convention room ng mansyon namin. Tila nag- eenjoy si Haven sa pagtitingin- tingin sa portrait ng mga angkan namin na nakadisplay dito.
"I wonder kung bakit wala akong nakita na portrait ng mga Lola mo."
Napangiti ako.
"My grandfathers are too busy with their political career. Kaya nabaliw iyon mga grandmothers ko sa ibang lalaki. Mukhang nasa side talaga nila ni daddy ang mga baliw."
Napanganga sya sa aking sinabi.
Hindi naman talaga totoo ang aking sinabi. My grandparents live happily. Pinaayos lang ang portrait ng grandmothers ko kaya wala ngayon dito.
Naisip ko lang kasi na baka titigilan na nya ako pag malaman nya na galing ako sa pamilya ng mga baliw. Sinong matinong lalaki ang nakasunod parin sa babaeng may lahing baliw. At magkaroon na ako ng chance na lapitan si Ethan.
Kung saan man lupalop ngayon inilagay ni Lord ang mga grandparents ko. Sana naman hindi nila ako naisipan itakwil.
-
-
-
Sa kabilang banda naman.....
"Bro, naalala mo 'yon sinabi ko sayo na baka may lahing baliw si Alaina. It's confirmed! Tama nga ako, bro!" hindi mapigilan kwento ni Haven nang nagkita sila ng pinsan si Ethan.
Kagagaling lang nya sa mansion ng mga Velasquez para sa school project nila.
"Really, bro? Paano mo nalaman?" kuryusong tanong ng kanyang pinsan.
"Sa mismong bibig nya! Kaya dapat mas igihan mo pa ang pag- iwas sa kanya."
"Salamat sa impormasyon, bro. I will do that!"
At sya naman, mukhang mas pag- igihan pa nya ang pagbabantay kay Alaina. Baka may magawa itong hindi makakabuti dito.
Sayang talaga ang ganda pa naman nito.