MIS 12

1212 Words
(Alaina) Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Haven. At hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali sa naging trato nya sa akin ngayon. Hindi ako sanay. Mukhang wala naman syang pinagsabihan sa nangyari dahil maganda pa naman ang pakikisama sa akin ng iba nyang pinsan. Sya lang talaga ang hindi pumapansin sa akin. Nakatayo ako ngayon sa labas ng pad ni Haven. Gusto ko syang makausap pero natatakot ako na ipagtabuyan nya ako. Pero hindi ko na kaya, nasasaktan ako sa ginagawa nyang pagbabaliwala sa akin. Kahapon, nakita ko sya na masayang nakipagtawanan sa isang babae na alam kong may matinding crush sa kanya. Halos hindi ako nakatulog sa isipin na baka may iba nang nagugustuhan si Haven. At bigla nalang akong napaiyak habang iniisip ang bagay na 'yon. Selos na selos ako at hindi ko naramdaman ang ganitong pagseselos nung kay Ethan. Never kong iniiyakan si Ethan. I am just so proud na mas maganda ako sa lahat ng babae ni Ethan, kaya para sa akin, kaming dalawa ang para sa isa't- isa. But when it comes to Haven, bigla nalang akong nanliit sa aking sarili. I become insecure. Sa tingin ko mas maganda si Celestine kaysa sa akin, dahil nakipagtawanan si Haven sa kanya. At napaiyak pa ako sa pagseselos. Then the truth strike me. I like Haven. I really, really like him. I think I'm inlove with him. Kaya ako nandito ngayon para suyuin sya bago pa sya maagaw sa akin ng tuluyan ni Celestine. I fought for Ethan and if I have to fight for Haven more, so be it! Lumanghap muna ako ng hangin bago ko nilakasan ang aking loob na katukin ang pinto ng pad ni Haven. Salubong na kilay na Haven ang nagbukas sa akin ng pinto. Mukhang kakagising lang nya. Araw ngayon ng Sabado at its already 2 pm. God! Ngayon palang sya gumising? Ok lang! Ang guapo pala nya pag bagong gising. At ang bango din nya kahit bagong gising lang sya. Para tuloy uod na binubudburan ng asin itong aking puso sa sobrang kilig na aking nadarama, sa isipin na naabutan ko sya na bagong gising at nakita ko ang mukha nya pag bagong gising sya. Baliw na yata ako! Kinusot nya ang kanyang mga mata. Saka mariin na napatingin sa akin. Mukhang siniguro nya kung tama ba ang nakita nya. "What brought you here?"malamig nyang tanong sa akin. "H- Haven, can we talk?"lakas loob kong tanong. Nagsumamo akong nakatingin sa kanya. "Ano ang pag- uusapan natin?" "Ano kasi---" sunod- sunod ang paglanghap ko ng hangin. Hindi ko alam kung paano simulan ang pakay ko sa kanya. Bakit ba pagdating sa kanya, napipipi ako at naging tuliro? "May kailangan kaba o wala? Inaantok pa kasi ako." Akmang isasara na nya ang pinto nang pinigilan ko sya. Napatitig sya sa akin. "Haven kasi...hindi mo na ako pinapansin. At nasasaktan ako sa ginagawa mo. Please, I'm sorry! Hindi ko na kaya. Nagseselos ako sa mga babaeng nakipagtawanan sayo. Patawarin mo na ako. Pansinin mo na ako uli. Sa akin na uli ang atensyon mo, please!"tulong luha kong sabi. Gosh! Naiyak pa talaga ako. Napakunot ang kanyang noo....bigla! "Ito naman ang gusto mo, diba?! Ang hayaan ka. Ang hayaan kayo ni Ethan. Pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo, hindi na ako makikialam." Mabanaag talaga ang kalamigan sa kanyang boses. Na para bang naiinip sya na kausap ako. Napahikbi ako sa kanyang harapan. Gosh! Ako ba talaga 'to? At bakit ba ako naiiyak? Wala naman syang ginawang masama sa akin. "Haven naman!" "Ano na naman 'to, Alaina? You know you done too much damage. Hindi na natin pwedeng ibalik sa dati ang lahat." Hindi ako makasagot sa sinabi nya. Tuloy- tuloy lang ang pag- iyak ko. "Bakit kaba iyak na iyak?" Tila naiirita nyang tanong. Mukhang galit na galit nga sya sa akin. "K- kasi Haven--- gusto kita. Sa tingin ko, mahal na kita." Para akong nabunutan ng tinik. Sa wakas, nasabi ko narin sa kanya ang nilalaman ng puso ko. Sandaling napaawang ang kanyang labi sa aking sinabi. "G- Gusto mo ako?" Paniniguro nya. Napatango ako. Tulang luha parin akong nakatingin sa kanya. "Is this your new trick?"natatawang tanong nya. Nainis ako. Bakit ba sya tumatawa? Hindi ba nya na- appreciate itong ginawa kong pag- amin sa kanya? Akala ba nya madali itong ginawa kong pag-amin? "Gusto nga kita Haven! Gustong- gusto nga kita!"pamimilit ko sa kanya. Sinalubong ko ang mga titig nya. Ipinakita ko sa kanya na tapat ako sa aking sinabi. Napasinghap ako ng hinila nya ako. Isinara nya ang pinto ng pad nya, saka nya ako isinandal sa dahon nitong pinto. Iniharang nya ang kanyang kamay sa magkabilang gilid ko. Napalunok ako ng wala sa oras. Ano ang gagawin nya sa akin? "Gusto mo ako? Patunayan mo!"tila bulong lang nya na pagkakasabi. Patunayan? Anong patunay ang gusto nya? 'Yon ba ang gusto nyang patunay? Sige gagawin ko nalang para maniwala sya sa akin. Baka maagaw pa sya ni Celestine mula sa akin, kung hindi ko sya magawang mapaniwala. "f**k! Anong ginagawa mo?" Hinawakan nya ang aking kamay, at pinigilan nya ako sa akmang paghubad ko sa suot kong blusa. "Sabi mo patunayan ko." "Can you just kiss me? Hindi kung ano't ano 'yang pumapasok sa isip mo. Anong akala mo sa akin? Maniac?" Napahiya ako ng slight. Ang dumi kasing nitong isip ko. Hinalikan ko sya sa pisngi. Sumimangot ang kanyang mukha sa aking ginawa. "Ano na naman?" Kahit pala mahal ko sya ay nakakairita parin sya. "What kind of kiss is that?" God! Ang arte nya! Ayaw nya sa kiss na 'yon. "Excuse me Haven, hindi ako bad b---" Pinatahimik ako ng labi nya. Siniil nya ako ng halik, na kalaunan, tinugunan ko rin. Hindi ko kasi napigilan ang pagbugso ng damdamin ko para sa kanya. I kissed him the same intensity as he did. Pareho kaming sabik sa isat- isa. Habol namin pareho ang hininga nang naghiwalay ang mga labi naming dalawa. Itinapat nya ang kanyang noo sa aking noo. Ilang segundo kami na nasa ganun posisyon. Habang nagkatinginan kami sa mga mata ng isa't- isa. Ramdam na ramdam ko ang kanyang paghinga sa aking mukha. Amoy na amoy ko ang kanyang mabangong hininga. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Damang- dama ko ang kasiyahan ko. "Kahit anong gawin mong kasalanan, hindi kita kayang tiniisin babe." Ang saya- saya ko, tinawag na nya uli ako ng babe. Nakakakilig pala ang tawagin nyang "babe". "I love you!"aniya sa mahinang boses pero sa mga mata ko nakatingin. "I love you, too." Hindi ko alam kung bakit napaluha na naman ako. Masyado naman yata akong emosyunal. Nagkaaminan lang kami, nagkaganito na ako. Napatawa sya, habang masuyo nyang pinunasan ang luha ko gamit ang daliri nya. Hinalikan nya ako sa aking noo. Saka nya ako niyakap ng buong higpit. Yumakap din ako sa kanya. Kalaunan, napasigaw ako nang bigla nya akong pinangko. "Haven, ano ba?!"natatawa ako. "Samahan mo akong matulog, inaantok pa ako." "Ano ba ang ginawa mo kagabi at ngayon kalang natulog?" "Naabutan ako ng umaga sa paggawa ng research paper natin. I don't want to stop, I might lost my idea." Mas lalo akong humanga sa kanya. Ang sipag talaga nya sa pag- aaral. Kabaliktaran sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD