MIS 4

1298 Words
(Alaina) "Ethan..." inis akong nagmartsa palapit kay Ethan. Nakita ko sya nakaupo sa gilid na bahagi dito sa school gym. Wala akong pakialam kung nandito din ang mga nakakainis nyang pinsan. Ang nasa isip ko ay ang galit ko dahil sa nakita ko sa f*******:. "Alaina, what brings you here? At bakit parang umuusok ka dyan sa galit?" kunot- noo sya. "Ano 'yong nakita ko na picture na pinasan mo si Alisson sa likod mo?" Hindi ko talaga mapigilan ang manibugho ng sobra. "Ano ngayon kung pinasan ko si Alisson. Gusto ko nga syang pasanin uli." Kumukulo ang dugo ko sa sinabi nya. Hindi man lamang nya pinansin ang galit ko. Ano ba talaga ang nakita nya sa Alisson na 'yon? Hindi naman 'yon kagandahan. "How could you, Ethan? Ano nalang ang sasabihin ng mga fans natin sa mga pinaggagawa mo." I calm my self. Dapat hindi parin ako mawalan ng poise. Dapat maganda ako all the time, lalo na sa harapan ni Ethan. "Alaina, I didn't do wrong. At saka wala akong pakialam sa sinasabi mong fans." Nainis ako pero dapat akong mag- isip ng tama. Dapat may pambawi ako. "Pasanin mo rin ako, Ethan." diretso kong sabi. "W- What?" nanlaki ang kanyang mga mata. "I said pasanin mo din ako." walang hiya kong sabi sa kanya. Dapat hindi makalamang sa akin ang Alisson na 'yon. "At bakit naman kita papasanin?" tila naiinis nyang sabi. Nasaktan din naman ako dahil sa trato nya sa akin. Tumayo sya. Siguro plano nyang lumapit sa mga pinsan. "Dahil gusto kong pasanin mo rin ako." "May problema ba dito?" Mas lalong kumulo ang dugo ko nang may nagsasalita na masamang damo sa likod ko. Kilala ko ang nakakairita nyang magandang boses. Wag lang syang magkamali na sirain ang moment namin ngayon ni Ethan, at tuluyang ko na talaga syang ipakulam. "Gusto ni Alaina ang magpapasan, Bro." ngumiti si Ethan. "Ganun ba?" tumabi sa akin ang masamang damo. Namilyo syang ngumiti sa akin. Nagclose open na yata ang matangos kong ilong sa galit ko sa kanya. "Gusto mo palang magpapasan babe, bakit hindi mo sinabi sa akin. You know, I'm willing to do everything your heart desires." Malambing nyang sabi sabay kidhat sa akin. Kinilabutan ako sa kanya. "Really Haven?" nilambingan ko rin ang aking boses. Napanganga sya ng slight. "Pwes, ang heart desire ko ay ang maglaho kana ng tuluyan sa buhay ko. Pwede wag ka nang magpakita sa akin." Napatawa sya sa sinabi ko. "Oh! That's ridiculous! Baka hanap- hanapin mo ako. Hindi mo pa naman ako makakalimutan. Kasi sabi nga sa kanta "Lahat makakalimutan mo, ngunit hindi ang...iyong unang halik." Kinanta nya ang huling katagan. Hindi ko alam kung saan sya humugot ng lakas ng loob para iparinig sa akin ang pangit nyang boses. Naalala ko na naman ang nangyari sa marriage booth. Kung makabuga sana ako ng apoy, matagal ko na sana syang nabugahan. Sa tingin ko namumula na ako sa inis ko sa kanya. "Oy, kinikilig sya. Namumula sya dahil kinantahan ko sya. Don't worry babe, isa iyang sa mga nakatago kong talent na sayo ko lang ipinarinig." tukso nya sa akin. God! Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Kapal talaga ng mukha nya. " A piece of advice Haven, habang buhay mong itago ang talent mo na 'yan." Tumawa sya. Teka, saka ko lang napansin. Kaming dalawa nalang pala ang magkaharap ngayon. Nalayasan na kami ni Ethan. Bweset talaga ang Haven na 'to! Sinamaan ko sya ng tingin. "Bakit parang galit na galit ka na nakatingin sa akin? Galit kaba sa akin?" "Obvious ba?!" sarkastik kong sagot. "Ok." ipinaikot nya ang mga mata na tila ba may balak syang gawin. " Para makabawi ako sayo, may gagawin ako na sigurado akong ikakasaya mo ng sobra." Kinalma ko na naman ang aking sarili. "Ano naman 'yon? Titigilan mo na ba ako? Hahayaan mo na kami ni Ethan." excited kong tanong. Baka naman! Tumitig sya sa akin. Hindi ko pinansin ang ilang ko. "Nope." ngumisi sya."Boys!" senenyasan nya ang kanyang mga pinsan. At hindi ko napaghandaan ang susunod na mangyayari sa akin. - "Ano ba Haven, ibaba mo nga ako! Hindi ka na nakakatuwa."galit na bulyaw ko sa kanya. Naka piggyback ako ngayon sa kanya. Wala akong nagawa nang ipinilit akong isakay sa likod nya kanina. Nanghina kasi ako kay Ethan nang sya pa talaga ang humawak sa akin kanina. Kaya nagawa tuloy nila ang masamang plano nila sa akin. Pinagtitinginan kami ng halos lahat ng estudyanteng nadadaaanan namin. "Sino naman kasi ang nagsabi na matuwa ka sa akin. At saka, wag kang magulo dyan! Tandaan mo pag matumba ako, madadamay ka din! Ikaw rin, plano mo yatang maputikan." Pananakot nya na ikinatakot ko naman. Yucks! Ayaw kong magkaputik. Umuulan pa naman kanina kaya medyo maputik nga. "Walang hiya ka talaga Haven, kailan mo ba ako titigilan, huh? Si Ethan ang gusto kong gumawa nito sa akin at hindi ikaw. Kailan mo ba ako titigilan? Kailan nga?" Gusto ko na talagang maiyak. Balakid talaga sya sa akin. Malaki syang hadlang sa love story namin ni Ethan. Alam kong lagi talagang may kontrabida sa kahit anong kwento, nagbibigay kasi ito ng spice, ika nga. Pero, hindi na talaga nakakatuwa itong kontrabido sa kwento namin ni Ethan. "Pag tinitigilan mo na ang pinsan ko." "No! I won't do that! Kaming dalawa ni Ethan ang para sa isa't- isa, at kailangan ma- realize iyon ni Ethan." matigas kong sabi. "Really? Paano mo naman nasabi na kayong dalawa ang para sa isa't- isa? Haven't you noticed? Hindi ka man lang nya napapansin." Alam ko naman ito pero binabaliwala ko lang. Gusto ko talaga si Ethan Montalban. Sya lang ang tanging lalaki na nagpapatibok ng sobra sa aking puso. "Mapapansin din nya ako. Kaya lang, medyo natagalan ang pagpansin nya sa akin dahil sa panggugulo mo. I hate you very much, Haven Cristomo. Ikaw ang pinakahate ko sa lahat ng tao dito sa mundo." Rinig na rinig ko ang malakas nyang pagtawa. Nakasakay parin ako sa likod nya habang tinahak nya ang daan papunta sa school park. "You know what Alaina, I wanted to admire your persistence. But sometimes, you should know when to stop. Obviously, my cousin doesn't like you. So, why bother yourself to him?" Ouch! Sapol iyon sa aking puso. "You don't understand, Haven. Hindi mo pa kasi naranasan ang umibig. And I won't give up, Ethan. No matter what!" Binuo ko ang aking boses. Naramdaman ko na umaksyon sya na parang gusto na nya akong ibaba. Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pag-alis sa likod nya. Nababasa ko ang galit sa mga mata nya nang tumingin sya sa akin. "If you are going to be Ethan's shadow, then I will be your shadow, Alaina. Hindi ko hahayaan na may magawa kang hindi makakabuti sayo at sa pinsan ko. Tandaan mo, lagi lang akong nakabantay sayo!" Naniningkit ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Pakialamero talaga sya kahit kailan. "I hate you, Haven. I hate you!" bulyaw ko sa kanya. "It's ok, babe! The feeling is mutual." ngumisi sya, saka pinasadahan ako ng tingin. "But at least, ako ang 1st kiss mo at naramdaman ko ang dibdib mo sa likod ko." Napako ang tingin nya sa punong dibdib ko. Kaya naiyakap ko ang aking braso sa bahagi ng dibdib ko. Parang tumagos ang mga mata nya sa suot kong damit at BRA. Pakiramdam ko parang nasisilipan na nya ako. "Pervert!" padabog kong pagkakasabi, saka padabog ko din syang tinalikuran. Agad ko syang nilayasan bago ko pa masabunutan ang maalon- alon nyang buhok. I hate you, Haven. May pa "The feeling is mutual" kapang nalalaman ha. If I know...... God! Bakit ba pabalik- balik sa isip ko ang sinabi ng bastos na 'yon. And I, didn't like it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD