(Xavier) Sabay na inihinto namin ni Xander ang sinasakyan naming kabayo. Bumaba si Xander mula sa kanyang kabayo at bumaba din ako mula sa kabayo ko. Pareho namin itinali ang mga kabayo namin sa mga punong nandun. Magkatabi kaming nakatayo, nakatingin sa ibabang bahagi ng Saturno ranch. "Pare, malapit na akong pumunta sa Mexico. Pwedeng humingi ng isang pabor sayo." Ani nya, sa seryosong mukha. "Anything pare--"Ani ko. "Hindi naman siguro 'yan nakakamatay sa akin." Mahina syang napatawa. "Hindi naman siguro nakakamatay, depende lang kung gaano katibay ang loob mo."sumeryoso sya at bumugtong- hininga. "Pwedeng bantayan mo si Abby. Ang ibig kong sabihin, pwedeng ikaw muna ang papalit bilang kuya nya habang wala ako." Alam kong mahal na mahal nya ang kapatid nya. Kaya nga, sobra ang pa

