MIS 38

1585 Words
(Alaina) Nasa loob ako ng aking kwarto, nakahiga ako sa aking kama. Masakit parin ang aking puso dahil sa nangyari sa pagitan namin nina Haven at Celestine. Alam kong pulang- pula parin ngayon ang aking mga mata dahil sa kaiiyak ko. Mukha lang akong malakas, but behind closed door, talagang umiiyak ako pag nasasaktan ako. At nasasaktan talaga ako ng sobra ngayon dahil sa mahal na mahal ko si Haven. Pero paano naman kami sasaya ni Haven kung laging pumagitna sa amin si Celestine? Buti nalang talaga at hindi ako naging kawawa doon sa Pearl Island dahil kay Caleb. Ang sarap pala na magkaroon ng kaibigan na katulad ni Caleb na handa kang ipagtanggol sa lahat ng oras. Kung gaano sya kasarap maging kaibigan, siguro ganun din sya kawalang kwenta para maging boyfriend dahil sa pagiging playboy nya. At kung inakala nyo na totoo 'yong sinabi ni Caleb kay Haven, nagkakamali kayo. Playboy ang Caleb na 'yon, at wala sa bokabularyo nya ang salitang inlove. Kaya nga hindi ako naniniwala sa kanya nung sinabi nya kay Haven na inlove sya sa akin. Pumapasok sa isip ko ang buong nangyari. (Flashback) "Hayaan mo kami ni Alaina. Wag kang makialam sa aming dalawa. Ano ba ang pakay mo, huh? At nangingialam ka sa amin ni Alaina?" Hindi ako lumingon sa dalawang lalaki. Ingat na ingat ako habang sumasakay sa speed boat ni Caleb. "Sabihin nalang natin na naghihintay ako ng chance para maagaw mula sayo si Alaina."napaismid ako sa sinabi ni Caleb. "A- Anong ibig mong sabihin?" Galit na galit ang boses ni Haven. "I love her. I love Alaina!" Shit! Muntik na akong nasubsob sa aking narinig na sinabi ni Caleb. Ano raw? Napalingon ako sa dalawa. Nakangisi si Caleb na nakatingin kay Haven. Halos hindi naman maipinta ang mukha ni Haven habang nakatingin kay Caleb. Para pang umaapoy yong mga mata ni Haven na nakatingin sa kanyang pinsan. "Asshole!"galit na sabi ni Haven, saka sinuntok ang kanyang pinsan. Dahil siguro sa hindi nakapaghanda, kaya napahandusay si Caleb sa buhanginan. Napasigaw ako. "Haven!"saway ko kay Haven nang kinuwelyuhan pa nya si Caleb. Binitawan ni Haven si Caleb. Nakangisi lang si Caleb na pinunasan ang bahagyang dugo sa kanyang labi. Agad akong bumaba mula sa speed boat. Kung gaano ako nahihirapan na makasakay kanina, ganun naman ako kadali na nakababa ngayon. Agad akong napatakbo sa dalawang lalaki at lumapit ako kay Caleb. Iniharang ko ang aking katawan kay Caleb. Bigong nakatingin sa akin si Haven. "Alaina!" Ani ni Haven sa nanghihinang boses. Kitang- kita ko ang pagkislao ng kanyang mga mata na nakatingin sa amin ni Caleb. "Haven, ayaw ko ng gulo. Puntahan mo na si Celestine at hayaan mo na kaming umalis ni Caleb." Sinubukan kong maging mahinahon. Pansin ko ang pamumula ng mga mata ni Haven. Pero, tinalikuran ko sya at inakay ko si Caleb papunta sa speed boat. Habang paalis na kami ni Caleb sakay ng speedboat, hindi ko mapigilan ang aking sarili na lingunin si Haven. Nakatayo parin sya sa kinatatayuan nya kanina, at bigong- bigo ang kanyang mukha na nakatingin sa amin ni Caleb. Agad kong binawi ang aking paningin mula sa kanya. Dahil baka, hindi ko mapigilan ang aking sarili na balikan sya at magpakatanga na naman uli. Habang papalayo ang speedboat, hindi ko mapigilan ang pag- agos ng aking mga luha. Pwede naman siguro akong umiyak. Kasi, nasasaktan naman talaga ako. "That jerk cousin of mine doesn't deserve your tears."Ani ni Caleb sa akin, nasa pagmamaneho ng speed boat ang kanyang pokus. "Hayaan mo muna ako."mahina kong saway sa kanya. "Oo nga pala, bakit kaba nagsisinunggaling kanina sa pinsan mo. I don't believe you nung sinabi mo sa kanya na mahal mo ako." Pinunasan ko ang aking mga luha. Napatawa sya. Pansin ko lang, iba talaga ang takbo ng kanyang utak. "I admit may crush ako sayo. Pero, sa palagay ko mas bagay kayo ni Haven. That's why I didn't pursue you. At wala din naman sa kukote ko ang salitang seryoso lalo na't pagdating sa isang relasyon." Inihinto nya ang speed boat at tumitig sya sa akin. "Tinakot ko lang ang pinsan ko. Masyado kasi syang confident na hindi mo sya hihiwalayan dahil masyado syang guapo. Ngayon na sa tingin nya, may karibal na sya na mas guapo kaysa sa kanya, panigurado hindi na 'yon mapakali." Napataas ang aking kilay sa kanyang sinabi. Lakas talaga ng self- confident nya. "At naiintindihan ko ang nadarama mo nang mas kinampihan nya si Celestine kaysa sayo. Nagalit din ako at gusto ko nga syang suntukin. But, playboy lang kasi ako at hindi basaggulero. Ginawa ko lang 'yon para kabahan naman ng kunti si Haven. So wag kang mag- iiyak dyan, tignan lang natin kung ano ang kayang gawin ng pinsan kong gago." Na touch ako sa ginawa ni Caleb. Hindi ko lubos akalain, may sense pala kahit papaano si Caleb. (End of Flashback) Napapitlag ako nang narinig ko ang message tone ng aking cellphone. Si Caleb ang nagtext sa akin. Caleb: Open your television to HNC. Napakunot ang aking noo. Ano naman ang panonoorin ko sa HNC? Pero ginawa ko parin ang tinext nya. Buti nalang at may sarili akong telebisyon sa loob ng aking kwarto. Nakaupo ako sa aking kama at nakasandal sa headrest, habang hinihintay ko ang pagsimula ng palabas. "Good evening people in the Republic of the Philippines and of course, especially sa mga walang sawang viewers natin. Sana naman hindi ninyo pinalalampas ang gabing ito. Dahil makapanayam natin ngayon gabi ang isa sa pinapantasyahan ng mga kababaihan, membro ng angkan na minahal natin lahat."masayang bulalas ng host ng programa. "Please, help me welcome Mr. Haven Cristomo." Nagpalakpakan ang mga tao na nasa studio. May naghihiyawan pa. At napanganga yata ako ng slight nang tuluyan kong nakita ang mukha ni Haven. Ang guapo naman nya. Lalo pa ng ngumiti sya at lumabas 'yong magkabila nyang dimple. Itong pasaway kong puso, parang gusto yatang mag come back to Haven's arms. Tumigil ka dyan puso. Hindi ka pa nga nabuo uli, tapos lumalandi ka naman dyan. Gusto mo ba talagang tuluyan mawasak, huh?! Sinasaway ng utak ko ang aking puso. "Mr. Cristomo, I mean Haven...p- pwede bang t-tawagin nalang kita na H-Haven?"nauutal na tanong ng host. Nagngitngit yata itong kalooban ko nang napansin ko na parang kinikilig itong host ng programa. Ngiti na napatango si Haven. Kaya napahiyaw na naman sa kilig 'yong mga nanonood sa studio. "Ok--- Haven, according to our sources, ikaw na daw ang susunod na ikakasal sa inyong angkan. Is this true?" Curious na curious 'yong mukha ng host. "Yes!"diretsong sagot ni Haven. Naibuga ko bigla ang tubig na ininom ko ngayon dahil sa sagot ni Haven. Napaubo ako ng napaubo. Buti nalang nahimasmasan din ako agad. Parang nadurog na yata ang puso ko. Magpapakasal naba sila ni Celestine? Gusto kong tapusin ang panonood ko pero dala ng kuryusidad ko, kaya hindi ko magawang e- off ang television. "Pwede ba namin malaman kung sino itong lucky woman na pakakasalan mo." "Kailangan ko pa bang sabihin?"nakangiti si Haven. "We are viral for the past weeks." Napahiyaw na naman sa kilig ang mga manonood. Teka, ako ba ang tinutukoy nya? Kainis na self 'to. Niloko na nga at nasaktan pero umasa parin. God! Ang rupok ko talaga pagdating kay Haven. Nanlaki ang aking mata nang nag- flash sa television ang mga larawan namin ni Haven. Meron pa nung high school kaming dalawa. "We were classmates when we are in Grade 12. I fell inlove with her right at that moment when I first saw her. Nung grumadwet kami, dinala sya ng mommy nya sa New York and after 9 years, when I saw her again, I realize that I still love her. I fell inlove with her all over again."madamdamin ang boses ni Haven. 'Yong mga mata nya ay nangungusap. Hindi ko napigilan ang mga luha ko na tumulo na naman. Natabunan na naman 'yon galit at pagdaramdam ko sa kanya ng pagmamahal ko sa kanya. Patuloy lang ang programa. Tulong luha akong nanonood at nakikinig. "Any message to Ms. Alaina." Napansin ko ang paglanghap ni Haven ng hangin. And his eyes is pleading nang kini- close up ang kanyang mukha. "Babe, I know I been asshole this past days. I'm sorry! I love you very much!" Napahiyaw na naman 'yon mga nanonood. Parang kilig na kilig pa sila. Kung alam lang nila ang pinagdaanan namin ngayon ni Haven. Tulong luha at tulala parin ako na nakatingin sa television kahit tapos na 'yong interview ni Haven. Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko. May nagmessage sa akin. At parang lumundag yata ang puso ko nang si Haven ang nagtext sa akin. Well, kanina pa sya patawag- tawag sa akin pero hindi ko sinagot ang tawag nya. Haven: I love you, babe! I miss you! Nakatitig lang ako sa message nya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa message nya. Hanggang sa umabot ang ilang minuto, wala parin akong na- composed na message para sa kanya. Nagmessage sya uli. Haven: Please I'm sorry. I beg you, forgive me babe. I love you! Shit! Hindi ko alam kung ano ang maging reply ko sa kanya. Kailangan ko na ba syang patawarin agad? Mahal ko naman sya. Pero, paano ako makakasiguro na hindi na papagitna si Celestine sa aming dalawa? Assurance lang naman ang gusto ko. Marami akong iniisip hanggang sa naisipan ko syang replayan. Me: Goodnight! Oo. 'Yan lang ang reply ko. 'Yan lang ang pumapasok sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD