(Alaina)
Pareho kaming takas ngayon ni Haven. Tumakas sya sa graduation celebration ng angkan nya. Siyam pa naman sa membro ng Del Fuengo ang grumadwet ngayon.
At tumakas naman ako sa graduation party na inihanda nina mommy at daddy para sa akin. Wala kaming pakialam pareho kung hahanapin kami.
Nasa tabing dagat kami ngayon. We chose to celebrate this day alone with each other. Para kaming nagpipiknik sa tabing dagat. Nakasandal ako sa kanya, at pareho kaming nakaupo sa beach mat na dala nya.
Tahimik kami habang parehong nakatingin sa tubig. Preskong hangin ang aming nalalanghap na kahit nagbibigay pa ito ng kalamigan sa aming katawan ay pareho kaming walang pakialam.
Nagbibigay din naman ng init sa akin ang init ng katawan ni Haven. Nakayakap kasi sya sa akin.
Kalaunan, napaharap ako sa kanya at tinititigan ko ang kanyang napakaguapong mukha.
"Bakit?"natatawa nyang tanong.
"Haven, malapit na kaming pumunta ni mommy sa New York. H- Hindi na tayo magkikita."napaluha ako.
"Hey..."alo nya sa akin. "Anong hindi magkikita? Lagi kaya tayong magvideo call, at araw- araw kitang tatawagan, oras- oras din kitang etetext. At gabi- gabi akong magchat sayo hanggang sa makukulitan kana sa akin."
"Really?"
Napatango sya. Ikinulong ng kanyang mga kamay ang aking maliit na mukha.
"At bibisitahin kita doon sa New York every Christmas vacation at summer vacation."
Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Ramdam ko ang katotohanan sa kanyang mga sinabi.
"Totoo? Baka naman sinabi mo lang nyang ngayon pero pag nandun na ako, kakalimutan mo na ako agad."buska ko sa kanya.
"Kahit kailan hindi kita makakalimutan Alaina. You own the biggest part of my heart. No one will never have the part of me, the part that I gave to you."
God! Nanubig na naman ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Hinalikan nyang ang aking mga mata.
Possible kaya na kahit sa murang edad namin ngayon which is 17 ay naramdaman na namin ang tunay na pag-ibig? Kasi, iyon ang naramdaman ko ay Haven.
Mahal na mahal ko si Haven. At habang buhay, sya lang ang gugustuhin ko, magbago man ang ikot ng mundo.
"Are you willing to wait for me until I'll finished my college years there in New York?"
"4 to 5 years...hmmm..."tila nag- isip sya.
Napasimangot ako na naghintay sa sagot nya. Napatawa sya sa naging reaksyon ko. Binalikwas nya ang kanyang mga kamay mula sa aking mukha.
"I can even wait for you forever, babe!"
Napangiti na naman ako. Mamamatay na yata ako sa sakit sa puso dahil sa kanya. Ang taba na kasi ng puso ko ngayon.
Ngayon ikinulong na naman nya ang dalawa kong kamay sa kanyang mga kamay.
"At pangako ko sayo, pag balik mo dito, papakasalan na kita. At ibibigay ko sayo ang pamilyang pinakaasam- asam mo. I promise to love and cherish you forever."
"Really? But forever is a long way."
Sandali nya akong hinalikan sa labi.
"I don't care. I don't mind if I spend it with you."
Napayakap ako sa kanya.
" And I promise to trust and believe in you, Haven. Forever. Mahal kita."
"And I love you, too, babe!"
Nagkatitigan muna kami, bago nya siniil ng halik ang aking labi. Na kalaunan, tinugunan ko naman. Pinagsasaluhan namin pareho ang init ng pag- ibig namin sa isa't- isa sa pamamagita ng halik namin. Wala kaming pakialam pareho sa kung nasaan man kami ngayon. Ang pokus lang namin ay ang isa't- isa.
Hanggang sa naramdaman ko nalang ang paglapat ng aking likod sa beach mat. Nagawa nya akong ihiga na hindi man lamang nagkahiwalay ang mga labi namin. Pumaibabaw sya sa akin. Sobrang intense ng halikan namin hanggang sa naramdaman ko nalang ang isa nyang kamay na humaplos sa hita ko paitaas, at pumasok na ito sa suot kong blouse, at naramdaman ko ito sa aking dibdib na natatabunan lang ng bra.
Tawang- tawa kami ni Haven habang naghahabulan kami ngayon sa dagat. Parehong na kaming basang- basa, pareho pa naman kaming walang dala na extra na damit. Pero, wala kaming pakialam. Napakasaya namin pareho.
Pagkatapos namin maghabulan, sabay kaming napaupo sa buhanginan at tahimik kaming nakatingin sa tubig dagat.
Papalubong na ang araw, kaya napakaganda pagmasdan ng sunset.
"Dagat man ang pagitan sa ating dalawa, pero hindi ko bibitawan ang lubid na nakatali sa ating dalawa. Kahit daanan man ng bagyo, hahawak at hahawak parin ako dito." tila makata nyang sabi.
Hindi ko napigilan ang mapatawa, pero tagos naman sa puso ko ang mga katagan na binitawan nya.
Baduy man sya pakinggan para sa iba! Pero hindi sa akin, kinikilig ako sa kanya.
"Bakit ka tumatawa?" kunot- noo sya.
Pinindot ko ang ilong nya gamit ang hintuturo ko.
"Kasi, ang cute mo!"
"Cute?!" napanguso sya. " Guapo kaya ako."
Napatawa ako. "Guapo ka dyan!"
"Bakit hindi pa ako guapo ha?" Napasigaw ako nang bigla nya akong kiniliti.
"Haven ,stop!" saway ko sa kanya. Tawang- tawa ako.
Pero, hindi parin nya ako tinigilan. Sinasangga- sangga ko ang kanyang kamay, pero nagtagumpay parin sya na kilitiin ako ng sobra, hanggang sa napahiga nalang ako. Dinaganan nya ako. Nagkatinginan kami. Puno ng pagmamahal ang aming mga mata habang nakatingin kami sa isa't- isa.
Pinatakan nya ng halik ang aking noo. Ngumisi sya, hindi ko napaghandaan ang susunod nyang gagawin. Kiniliti nya ako uli.
Puno ng halakhak naming dalawa ang katahimikan ng lugar.