Chapter 11

1207 Words
"Naku Kenjie, tumigil ka!" Napairap naman ako kay Jelai.Nandito kami ngayon sa restaurant.Niyaya ko siya kumain. "Ay masarap ang pagkain dito." "Restaurant ito ng asawa ni Senator Walton."aniya ko sa kaniya. "Hala! Ay bakit hindi mo agad sinabi!" "Kailangan ko pa ba sabihin?" "Oo putang-ina mo!" Tsk.Napaka iskandalosa talaga! "Kenjie, si Lance ba iyan?"tanong ni Jelai sa akin, at sabay turo sa kabilang mesa. Sinundan ko naman ang daliri niya na nakaturo. Si Lance nga, ang sundalo na kaibigan din nila Belle. "Grabe.Di ba may asawa at anak na ang hinayupak na iyon! Tapos may kabit pa! Walang hiya na sundalo na iyon!" Napatingin naman ako sa babaeng kasama ni Lance. Si Calla Fuentebella.Kapatid siya ng dalawang officer na sina Kurt at Roswell. "Wait lang Kenjie! Ang bait ng kan'yang asawa tapos niloloko lang niya!"tatayo sana si Jelai hinila ko ito. "Huwag! Kilala ko ang babae."ani ko kay Jelai. Nagtataka itong nakatingin sa akin. "Kilala mo?" "Yeah." "Sino siya! Alam niya ba na pamilyado na si Papa Lance, ang bait kaya ng asawa!" "Calla Fuentebella.Anak ni General Fuentebella.Sugurin mo na."nakangising saad ko sa kan'ya. Bigla lang ako sinapok ni Jelai. "f**k! Bakit ba ang hilig mo manapak!"inis na saad ko "Bakit hindi mo agad sinabi na anak pala iyan ni General Fuentebella na side kick ni President Lee at Vice President Kingston! Ay ang gago mo talagang German ka! Muntik na ako mapahamak, buti pinigilan mo akong sugurin ang kabit ni Lance." Napapailing na lang ako.Ang ingay talaga ng bunganga ng babaeng ito. "Grabe, naturingang maimpluwensya ang pamilya pero nakipagrelasyon sa pamilyadong lalaki."aniya ni Jelai. Ayoko magsalita.Ayoko i-judge si Calla.Kilalang magaling na Surgeon Doctor ito.At itinuring ko ito na kapatid na babae dahil matalik na kaibigan ko si Roswell. "Hoy bakit nakatulala ka? Tumigil ka na Kenjie ha! Masaya na si Belle at Gab, kaya huwag mo na guluhin sila." "Wala naman akong sinabi na guluhin sila."irap na saad ko rito. "Ay magaling naman! Ang asawa mo muna ang asikasuhin mo!" Tumayo na ako. "Saan ka?" "Uuwi na."tamad na sagot ko sa kaniya. "Walang hiya kang German ka! Iiwan mo ako dito, pagkatapos na samahan kita!" Nakangisi lang ako at tumalikod na. Sumakay na ako sa aking kotse at umuwi na sa bahay. "Sir Crimson nasa taas po si Ma'am Mia." "Si Mia!" "Yes Sir." Patakbo akong umakyat sa silid namin. Naabutan ko ang aking asawa na naglalagay ng mga damit sa maleta. "Baby?" Nagulat pa ito nang nagsalita ako. Humarap ito sa akin. "K-kukunin ko lang ang mga gamit ko."mahinang saad niya. "Mia, please can we talk for awhile."nakikiusap na saad ko sa kaniya. Narinig kong napabuntong hininga ito. "S-sure." "Mia, l-let's start again, baby." Tumingin ito ng diretso sa mga mata ko. "I'm sorry.I want to start a new life.But not with you.Gusto ko magsimula na ang focus ko ay ang aking sarili."seryosong saad nito sa akin. Napahilamos ako sa aking mukha. "Baby please, forgive me." Tumalikod ito at itinuloy ang pag-iimpake. Nilapitan ko ito at niyakap. "Mia please." Humarap ito sa akin. "Paano tayo magsisimula kung hindi mo ako mahal.Paano mo ako mamahalin kung hindi mo kaya alisin ang babaeng nagmamay-ari sa puso mo.Pinalaya kita, dahil ayaw ko ikulong kita sa isang relasyon na walang patutunguhan." "Mia no! Nandito ka na sa puso ko! Please an another chance, please baby!" Umiwas ito ng tingin.Hinila ko ito at hinalikan ng mariin. Napasapo naman ako sa aking pisngi, sa sobrang lakas ng kan'yang pagsampal sa akin. "Gusto mo patawarin kita? Pero dinadaan mo ulit ako sa dahas! Alam mo ba ang masakit? Si Belle ang laki ng respeto mo sa kan'ya! Para siyang isang kristal na iniingatan mo na hindi ito mababasag.But you know what I hate her! She's a w***e b***h!"sigaw niya na umigting naman ang panga ko. Nasampal ko ito. Nabigla naman ako.Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Mia sa lakas ng pagsampal ko sa kaniya. "f**k! s**t! I'm sorry baby." Hahawakan ko sana ang mukha niya pero itinulak niya ako. "Mia, baby I-I'm so sorry! Nabigla lang ako." Umiiling-iling ito na nakatingin sa akin. Napasabunot naman ako sa aking buhok. "H-hindi ko sinasadyang saktan ka.Please mag-usap tayo."nanghihinang saad ko sa kan'ya. Agad itong tumalikod at lumabas ng pinto.Hinabol ko naman ito. "Mia! Baby." "Ate pakilabas po ng maleta sa silid ni Crimson, kukunin po mamaya ng driver ni kuya Dos."utos niya sa katulong. Dumiretso agad ito sa labas.Sumunod naman ako sa kan'ya. "Gabi na, hindi ka puwede magtaxi na mag-isa ka lang."ani ko sa kaniya. Hindi niya ako pinapansin. "Mia!" Humarap ito sa akin. "Can you stop! You look so desperate! Bumalik ka na sa Belle mo! Ayoko na sa iyo, an Old man!"galit saad niya sa akin. What the f**k! She called me an Old man! Nakanganga akong nakatingin sa kan'ya. "Akala mo kung sino kang guwapo! Puwede ba pirmahan mo na rin ang divorce paper, di ba ito ang gusto mo? Gusto mo maging malaya dahil kay Belle, si Belle na mahal mo.Si Belle na pinili mo nang gabing iniwan mo ako sa labas ng restaurant.Ibibigay ko na ang kalayaan mo Kenjie Crimson! I want my name back too, I don't want an Alcantara for my surname, I want my Dad surname, a Geller."diin na sabi ni Mia. Umigting naman ang aking panga. "Bakit, magpapakasal ka kay Johnson? Kaya atat na atat ka magdivorce tayo!"galit na saad ko sa kan'ya. "Your so bobo! I'm just told you now, apelyido ni Daddy ang gusto ko!" Fuck! Bakit parang matapang na ito! Napahilot naman ako sa aking sentido. Kanina tinawag niya akong old man, ngayon sinabihan akong bobo. "Mia!" May dumaan na taxi at agad itong sumakay. "Mia!" "Oo nga pala, here's your ring!"ibinato niya sa mukha ko ang singsing. Damn! Kinuha ko naman ang singsing. Agad naman ako sumakay sa kotse ko at sinundan ang taxi. Panay ang hampas ko sa manibela.Lalong mahirapan akong suyuin dahil nasampal ko ito. Putang-ina! Nakarating ako sa bahay ni Dos.Halos kasabay ko lang ang taxi na sinakyan ng asawa ko. Agad akong bumaba at pinuntahan si Mia na kababa lang sa taxi. "Baby please, I'm sorry."nanghihinang saad ko.Nakaramdam na rin ako ng pagod. Hindi niya ako pinapansin, dumiretso itong pumasok sa gate.Agad naman akong hinarangan ng guwardiya. "Sir Crimson, pasensiya na po.Bawal po kayo pumasok." "Gusto ko lang makausap ang asawa ko!"galit na saad ko sa guwardiya. "Kapag bawal kase, huwag pilitin." Napalingon ako sa aking likuran. Napairap naman ako sa dalawang babae na nakangisi. Si Ziena at Samara. "Gracias punyetas Alcantara."nakangising saad ni Ziena. "Gracias punyemas Germanias."nakangising saad naman ni Samara. Kung hindi lang ito kapatid ni Rhenz si Samara, i-salvage ko na rin ito kasama si Ziena. "Ang kuya mo bantayan mo Ziena! Ginawa na kabit ang kapatid ng Fuentebella brothers!"inis na saad ko rito. Ako na naman ang nakikita nila! Si Lance Dwaine Cortez ay kapatid ni Ziena.Hindi ko lang sinabi kay Belle at Jelai na magkakilala talaga kami ni Lance. "Ay putang-ina! Si Calla at kuya Dwaine!"gulat na saad ni Ziena. Napangisi naman ako.Ang galing makialam sa buhay ko, pero sa kapatid niya lagi huli sa balita. Napapailing lang ako sumakay sa kotse ko. Bukas pupuntahan ko ulit si Mia. Buwesit na buhay na ito! Ang hirap na suyuin ni Mia!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD