Binabati ako nang mga nakakakasalubong kong estudyante sa hallway. Nginitian ko sila pabalik kahit na nakakapanibago. Sanay akong malamig ang tingin sa akin ng lahat, minsan pa nga umiiwas pa dahil sa takot sa akin. Masarap pala ang ganitong pakiramdam, na gusto ka ng lahat. Hindi na rin masama. "Congrats pala, Sandy! Ang galing mong kumanta!" Bati sa akin ng isang lalaking fourth year student. May iba pa siyang kasama na binati rin ako. "Uy, salamat," sabi ko at naiilang na natawa. Binilisan ko na ang lakad para makalayo sa kanila. Hindi ako sanay na mabait sila sa akin, pero nakakatuwa naman. Sa isang gabi lang, nagbago ang lahat. Biglang gumaan ang backpack ko kaya lumingon ako. "Morning!" si Betong. Nalukot ang mukha ko. May kakaiba rin sa aura niya ngayon. Mukhang 'di lang ako an
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


