TUMATAKBO SI DRAKE papasok ng hospital. Agad siyang umuwi dahil sa balitang may sakit ang anak niya. Halos hindi siya mapakali sa eroplano at hiniling na sana ay bumilis ang eroplano kahit malabo. Pero inabot na siya ng madaling araw bago makauwi. Nagtanong siya sa nurse kung saan ang room ng anak niya. At nang masabi nito ay agad niyang tinungo. Room 17 kaya madali lang niyang nakita. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang pamilya niya na ang iba ay tulog na. "Oh, mabuti at narito ka na." sabi ng Mom niya na nagkakape. Agad siyang lumapit sa mag-ina niya. Si joe ay natutulog habang yakap-yakap si Cj na tulog. Naupo siya sa kabilang side at napahinga ng malalim. "Kamusta na ang anak ko, My? Ano ba ang naging sakit niya?" mahina niyang tanong upang hindi na magising ang mga

