Chapter 38 Diane’s Pov DUMATING na ang pinakahihintay ko na sembreak. Pero bago kami nag sembreak ay sandamakmak na muna ang ginawa namin sa school. Tapos na din kaming mag present ni Gabriel. Kaya nakahinga na din kami ng maluwag. Mabuti na lamang talaga at natapos na. Kaya nagpaalam na ako kay Ate Cat kahapon na pag uwi ko galing sa school ay aalis na ako at magbabakasyon sa mama ko. Naka ready naman na kasi ang backpack na dadalhin ko. Hindi nga lang alam ni Claw dahil hindi ko talaga siya sinabihan. Bahala siya sa buhay niya. Ang alam ko din ay nasa underground si Claw ngayon kaya kinuha ko ang pagkakataon na ito na umalis ng bahay ni Ate Cataleen. Nag book lang ako ng masasakyan kahit 6PM na. Hindi alam ni mama na uuwi ako. Gusto ko ay surprise. Mamayang gabi pa talaga ako mak

