Chapter 29 Diane’s Pov NANDITO ako sa kusina at kumakain na kami ni Claw ng pananghalian. Napangiti ako dahil ang sarap pala niyang magluto. Akala ko kasi joke-joke lang ang sinasabi niyang marunong siyang magluto. Hindi ako makapaniwala na may alam pala siya sa pagluluto. “Ano, masarap ba?” tanong ni Claw sa akin na kanina pa nakatitig. Pinapanood yata ang bawat galaw ko at tinitignan ang reaksyon ko bawat subo. “Pwede na,” sagot ko na lamang. “Grabe naman ‘yang sagot mo. Hindi mo man lang pinuri ang pagkain ko. Nakakatampo ka na, kulot ha!” sabi niya habang nakatitig sa akin. “Mabuti nga at sinabi kong pwede na, eh. Kaysa naman sabihin ko na hindi masarap ang pagkain na niluto mo.” naka-smirk kong sabi. “Alam mo nakakagulat talaga na marunong kang magluto. Wala sa itsura mon

