Chapter 27 Diane’s Pov MAAGA kaming umuwi ni Claw sa bahay ni Sir Remus. Tulad nang pangako niya sa akin na ihahatid niya ako ng maaga. Akala ko nga ay nagbibiro lang siya. Nakahinga ako ng maluwag dahil tulog pa ang mga mag-asawang Valconeri kaya humiga agad ako sa kwarto ko. Bahala si Claw sa buhay niya. Inis na inis pa naman ako sa kanya. Kinuha lang naman niya ang panty na hinubad ko kagabi. Pinakialaman niya ang bag ko at walang paalam na kinuha ang panty ko. Nalaman ko lang na nawala na ang panty ko nang i-check ko ito kanina. Inis na inis ako dahil hindi man lang nagpaalam. Wala pa namang laba ‘yun kaya gusto kong mabawi. Nakakainis talaga ang lalaking yun. Sa kanya na daw yun dahil remembrance daw niya. Gusto ko sanang mabawi pero hindi ko alam kung saan niya itinago. N

