Chapter 50 Diane’s Pov TAPOS NA ang bakasyon at nakabalik na ako sa bahay ni Ate Cataleen. Tuwang tuwa din ako ngayong araw dahil dumating ang dalaw ko. Halos magtatatalon ako sa tuwa dahil sa sobrang saya. Kinabahan kasi ako na baka hindi na dumating ang dalaw ko pero heto na siya. Hindi tuloy mapuknit ang ngiti ko sa labi dahil sa saya na nararamdaman ko. Wala pa naman akong pasok ngayon pero bumalik na ako sa bahay nila Ate Cataleen dahil bukas ay may pasok na ako. Nandito ako ngayon sa kusina, kasama ko si Ate Cataleen na kanina pa matamlay. Pero panay ang kain. Sa t’wing susubo siya ay bubuntong hininga siya. Iniisip ko tuloy na baka may problema siya kaya ganun na lang ang pagbuntong hininga niya. “Ate Cataleen..” tawag ko sa atensyon niya. “Hmmm..” tugon niya sa akin. “

