Chapter 36 Diane’s Pov NAKARATING kami sa isang parking lot. Mag pa-park muna si Claw saka kami lalabas ng kotse para kumain daw sa restaurant. Pero napansin ko na panay ang tingin niya sa salamin. Hindi ko alam kung bakit pero para siyang aligaga. “Hoy, gurang! Ayos ka lang ba?” tanong ko dahil kanina pa siya panay tingin sa rear view mirror. “Ayos lang ako, kulot. Pero pwede bang dito ka lang muna sa loob ng kotse?” aniya na ikinapagtataka ko. Ngunit napatingin ako sa harapan ng mapansin kong may apat na lalaki na lumabas. Malaki pa naman ang mga katawan. Pero baka naman kasi hinahanap lang nila ang kotse nila kaya nandito sila sa parking lot. “Bakit naman? Akala ko ba kakain tayo?” Naguguluhan kong tanong kay Claw. “May aayusin lang ako saglit. Sandali lang ‘to, kulot. Sig

