Chapter 61 Claw’s Pov NANDITO AKO sa labas ng bahay ni Shay upang kausapin siya tungkol kay Diane. Kinalampag ko ang gate nila imbes na gumamit ng doorbell. Nataranta pa ang katulong nila kaya sinabi kong palabasin niya ang amo niyang si Shay. Agad naman tumalima naman ang katulong kaya nandito sa harapan ko si Shay. Nakangiti pa siya sa akin at halatang kinikilig na nandito ako sa harap ng bahay niya. Habang ako naman ay nagpupuyos ang galit. Nakakuyom ang kamao ko sa dalaga. “Nasaan si Diane? May ginawa ka ba para mawala ang girlfriend ko?” walang pag-aalinlangan kong tanong kay Shay kahit sabi nila ay masamang magbintang sa kapwa. Pero malakas ang kutob ko na siya ang may gawa kaya nawawala ang girlfriend ko. Agad nawala ang ngiti ni Shay at napalitan ito ng pagkaseryoso. “Anong

