Chapter 60 Diane’s Pov KANINA pa ako iyak ng iyak dito sa isang lumang plaza. Nakita ko ito kanina habang naglalakad ako nang wala sa sarili. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kaya hindi na lang ako pumasok sa school pagkatapos namin mag usap ni Shay. Hindi na rin ako kumain at pinatay ko din ang cellphone ko. Sigurado akong hinahanap na ako ng kaibigan kong si Jamaica dahil sabi ko ay magkita kami pagkatapos mananghalian. Pero hindi na ako pumasok dahil namumugto ang mata ko. Kanina pa ako nakatambay dito sa plaza na ito. Mainit ang panahon pero wala akong pakialam. Gusto kong mapag-isa kaya dito lang ako tumambay. Tumigil na ako sa pag-iyak dahil nahihirapan na akong huminga. Nakatulala lang ako habang pilit na pinoproseso ang mga sinabi sa akin ni Shay. Hindi ko alam ku

