Chapter 47 Diane’s Pov NAGPLANO akong umalis sa bahay ni Claw dahil pupunta ako sa resort kung saan nagtatrabaho ang mama ko. Apat na araw nalang kasi ang natitira sa sembreak ko kaya dapat lang na pumunta ako sa nanay ko. Lagi kasing pumapalpak ang plano kong pagtakas kay Claw dahil nahuhuli niya ako. Hindi ko tuloy nagawa agad at gusto ko. Ngayon naman ay balak niyang sumama sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag. Kaysa naman sumakay pa ako ng bus, mahal na ang pamasahe kaya pumayag nalang ako. Kaya heto kami ni Claw ngayon sa kotse niya. Kinakausap ko siya na wag na wag magpapakilala sa nanay ko bilang boyfriend kung ayaw niyang ma-diet sa akin ng isang buwan. Nakanguso naman siya habang nagmamaneho. Ayaw niya kasing pumayag sa gusto ko na wag siyang magpakilala. “

